ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Marso 5, 2024
Sa may kaarawan ngayong Marso 5, 2024 (Martes): Bilis ng isip ang susi mo sa tagumpay. Ito rin ang magbibigay sa iyo ng yaman. Basta, huwag ka lang mag-alinlangan sa iyong kakayahan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kailangan mo munang magsaya. Hindi katwiran na dahil nasa bahay ka lang ay hindi ka na maghahanap ng mga bagay na magbibigay saya sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-18-21-27-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa isip lang ang hirap, ibig sabihin, puwedeng gumaan ang iyong buhay kung mag-iisip ka ng masasayang kaganapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-25-34-40-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong tularan ang mga taong angal nang angal. Ang gayahin mo ay ang mga taong nagpapasaya sa mga nagsasakripisyo para maingatan ang mamamayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-19-26-35-37-42.
CANCER (June 21-July 22) - Madaling magkasakit ang mahina ang loob, kaya para tumapang ka, balikan mo ang mga araw kung saan natalo mo ang malalaki at mabibigat na pagsubok. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-16-25-33-39-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Matatakasan mo ang nagbabantay dahil nagluluwag na rin sila. Kahit makahanap ka ng kalayaan, huwag mong kalimutan na kailangan mo pa ring mag-ingat. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-04-11-22-28-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kunwari lang naman ang paghihigpit dahil ang lahat ay ayaw na ng mahirap na sitwasyo. Gayunman, mahalaga pa rin ang maging maingat. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-29-33-39-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Itago mo ang lungkot mo dahil ikaw ang huwaran ng mga taong nasa paligid mo. Kapag nakita nilang malungkot ka, mananamlay at mawawalan din sila ng sigla at lakas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-24-36-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang basta-basta maniniwala sa mga naririnig mong balita. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-19-26-35-40-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ikaw ay mapagbigay, kaya sa tuwing nakakatanggap ka, ibahagi mo agad ito sa iba. Sa ganitong pag-uugali, mas mag-uumapaw ang iyong ligaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-12-18-21-27-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hinahon ang kailangan ng mga tao ngayon. Ang init ng ulo at galit ay nagbibigay lamang ng mabibigat na problema. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-16-20-25-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ireserba mo ang iyong lakas sa mga araw na palalayain na ang mga tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-17-29-33-42-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mabuhay ka sa sarili mong mundo. Huwag mong hayaan na ang buhay mo ay madamay sa suliranin ng iba. Umiwas ka sa mga taong paladaing at negatibo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-7-10-18-27-35.
Comments