top of page
Search

Horoscope | Marso 4, 2025 (Martes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 4, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 4, 2025 (Martes): Isinilang kang may puso’t damdamin na nakakaunawa sa kapwa. Ikaw ang magiging sandalan at pahinga ng mga taong pagod na sa pagtatamasa ng tagumpay.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - ‘Wag kang magpakita ng kahinaan, lalo na’t marami ang nakasandal sa iyo ngayon. Kapag nanghina ka, tiyak na manghihina rin sila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-19-24-28-35-37.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bago mo maabot ang tuktok ng bundok, kailangan mo munang umakyat. Walang mangyayari sa pangarap mo kung puro salita ka lang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-16-25-31-36-41.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Mahihirapan maglakad ang mga taong maraming bitbit. Kaya naman bitawan mo na muna ang mga problemang dinadala mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-15-20-26-32-40. 

 

CANCER (June 21-July 22) - Hindi naman mahirap malaman kung sino ang tapat at makakatulong sa iyo. Magkunwari ka lang na gipit na gipit, ang sinumang umiwas sa iyo ay alisin mo na agad sa listahan ng mga kaibigan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-22-28-30-42.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang lumayo sa mga taong ‘di mo maunawaan. Ang isipin mo na lang, lahat naman ay nahihirapan sa kanya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-21-31-35-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dati munang nakaharap ang kabiguan. Kaya hindi ka na dapat matakot sa mga taong walang takot sa iyo. Masuwerteng kulay-mocha brown. Tips sa lotto-7-10-14-23-32-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humihina ang katawan at kalusugan ng mga taong ‘di nagpapahinga. ‘Wag mong ipagmalaki na sanay ka na sa pagpupuyat. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-18-28-34-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakahalo sa putik ang ginto. Kaya hindi mo na kailangang layuan ang mga taong wala namang silbi, dahil sa kanila ka may makukuhang ginintuang aral sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-13-17-20-23-27.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nilikha muna sa imahinasyon ang magagandang imbensyon. Huminto ka muna at manahimik. Ngayon mo dapat paganahin ang iyong isip. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-14-22-25-29-32.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Unahin mo ang mga karibal mo. Dahil hindi mo naman alam kung paano sila gumagalaw at kumikilos. Sa ganitong paraan, mawawala sila sa porma at ikaw ang mananalo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-23-26-30-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masisingit mo ngayon ang mga bagay na gustung-gusto mong mangyari. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-13-21-24-35-45.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumadapo ang mga suwerte sa mga taong may magandang pananaw sa buhay. Ito ang tandaan mo ngayon.  Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-25-32-38-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page