ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Marso 4, 2024
Sa may kaarawan ngayong MARSO 4, 2024 (Lunes): Marami ang makikinabang sa galing at husay mo. Ang payo ay unahin mong paunlarin ang iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang makuntento sa kasalukuyan. Maghanap ka ng pagkakaabalahan na ikauunlad ng iyong kabuhayan. Tiyak din namang may makikita kang paraan na iyong ikakayaman. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-22-31-38-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang tamang panahon para suriin ang iyong buhay at may mga bagay kang makikita na hindi na dapat maulit pa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-12-19-23-33-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Nasa sa iyo ang saya! Pasayahin mo ang iyong kasama sa bahay at bigyan mo rin ng saya ang mga taong nakikipag-ugnayan sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-18-28-31-39-43.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong ipakita ngayon na sobrang lungkot mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-17-27-32-40-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tumulong ka sa abot ng iyong makakaya at gawin mo ang obligasyon mo sa iyong kapwa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-21-25-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makakaisip ka ng magandang ideya sa pananahimik at magagamit mo ito balang araw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-10-14-22-27-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ilabas mo ang mga nakatagong kagamitan, linisin at 'wag na ibalik sa pinagtaguan upang lumabas din ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-16-26-28-33-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pag-aralan mo kung paano ka mas uunlad. Huwag mong sayangin ang iyong galing at katalinuhan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-13-20-34-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong hanapin ang wala sa tabi mo. Pero, ang mga taong nasa tabi mo ay pakitaan mo ng pagpapahalaga. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-19-21-27-33-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit nasa bahay ka lang, magagawa mong paunlarin ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-19-25-27-35-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ibayong pag-iingat ang kailangan ngayon. Imbes na ubusin mo sa walang kabuluhan ang iyong salapi, palaguin mo ito. Sapagkat, ngayon ang pagkakataon upang ika'y yumaman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-8-13-22-31-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipagpaliban mo muna ang pagbili ng mga bagong damit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-7-11-19-22-28.
Comments