ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 3, 2025

Sa may kaarawan ngayong Marso 3, 2025 (Lunes): Malaking suwerte ang ipagkakaloob sa iyo ng langit, pero kailangan mo munang lumabas ng bahay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makakadaan ka sa makitid na daan, pero kailangan mong magpatuloy dahil pansamantala lang naman ito at mapapalitan din ito ng malawak na landas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-20-33-35-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mo nang problemahin pa ang suliranin mo ngayon. Lilisan at mapapalitan din ‘yan ng suwerte. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-18-24-34-39-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi puwedeng walang gabi. Kaya tanggapin mo na ang katotohanan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-19-25-40-44.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang masyadong maging emosyonal. Gamitin mo ang isip mo at sundin mo ang tama at matuwid na landas ng katuwiran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-12-27-30-34-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mapapalaban ka ngayon sa mga taong ipagpipilitan ang kanilang katuwiran. Kapag napansin mong ganu’n ang iyong kausap, lumayo ka na agad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-15-20-23-35-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon mo makikita kung paano ka makipagdebate sa iyong sarili. Pero kung kikilos ka sa halip na kalabanin mo ang iyong sarili, tiyak na magaganap ang gusto mong mangyari. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-14-22-31-36-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo kailangan ang taong mahirap kausap. Bagkus, maghanap ka ng taong handang makinig sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.Tips sa lotto-6-17-21-26-38-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumating na ang takdang panahon upang magbago ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige.Tips sa lotto-7-13-20-23-30-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung sino ang magbibigay sa iyo ng kaluwagan, siya ang samahan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-25-39-41-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - ‘Wag mong panatilihin sa damdamin mo ang mga bagay na hindi mo nagugustuhan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-16-19-22-35-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo kailangan ang sinuman. Mas maganda kung nag-iisa, payapa at tahimik lang ang buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-15-17-25-33.
Kommentare