top of page
Search
BULGAR

Horoscope | Marso 3, 2024 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Marso 3, 2024


Sa may kaarawan ngayong Marso 3, 2024 (Linggo): Isinilang ka para mamuno. Kaya hindi puwede ang mababang ranggo sa iyo. Ito ang tagong dahilan kung bakit hindi ka nagtatagal sa iyong trabaho.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon mo simulan ang sinasabi mo sa iyong sarili na itotodo mo na ang lahat ng kaya mo para bumilis ang iyong pagyaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-19-27-34-39-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magtanong ka muna bago ka kumilos. May mga ilang pagbabago na kailangan isagawa ngayon. Sa pagtatanong, hindi ka pupuwedeng maligaw. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-12-26-29-34-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Mabagal ang takbo ng buhay, kaya kailangan mong magmadali ngayon. Ibalik mo ang bilis ng iyong isip at kilos. Magsimula ka na ngayon upang magtuluy-tuloy ang dating ng iyong mga suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-16-23-28-33-39.


CANCER (June 21-July 22) - Kinakabahan ka ba? Normal lang sa iyo ang ganyan. Lalo na ngayong nahaharap ka sa bagong pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-7-10-22-25-28.


LEO (July 23-Aug. 22) - Lahat ay nakatodo kaya hindi ka dapat na maiwan. Mas magandang makasabay ka sa agos ng buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14- 20-23-28-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mabahala kung ang iba ay umaabante. Sa huli, maaabutan mo rin sila at ang nakakatuwa pang mangyayari ay malalampasan mo rin sila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-13-19-26-30-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nag-aabang sa iyo ang masasayang kapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-20-33-39-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon na mawawala ang iyong takot at pag-aalala. Ngayon mo rin dapat gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa noong nakaraan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-26-29-34-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21)- Habaan mo pa ang iyong pasensya at huwag mong daanin sa init ng ulo ang lahat. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-19-21-34-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sumabay ka sa agos ng buhay. Mabilis ang kilos ng mga tao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-25-29-31-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Trabaho na muli. Tulad ng dati, huwag kang masyadong seryoso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-13-17-22-26-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon mo mararamdaman ang paparating na suwerte at magandang kapalaran. Kaya ano pa ang pinag-aalala mo? Kumilos ka na ngayon! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-25-29-37-45.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page