ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 28, 2025

Sa may kaarawan ngayong Marso 28, 2025 (Biyernes): Sasaklolohan ka ng mga suwerte sa panahon na akala ng iyong mga kalaban na mahina at wala kang magagawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magbubunga na ang mga pagsisikap mo. Isa pa, may mga regalo rin sa iyo ang langit. Masuwerteng kulay-mocha brown. Tips sa lotto-3-9-15-30-36-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pahinga ang kailangan, pero dapat may kasama itong pagliliwaliw. Sa ganitong paraan, muling manunumbalik ang sigla at lakas mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-16-21-24-33-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Walang epekto sa iyo ang mainit na panahon, dahil mas bibigyang-pansin mo ngayon ang magandang takbo ng iyong negosyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-23-25-35-45.
CANCER (June 21-July 22) - Susuwertehin ka ngayon at magugulat ang mga kalaban mo. Sa huli,a sa iyo pa rin ang huling halakhak. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-14-25-30-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muling nagbalik ang araw upang suwertehin ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-19-28-34-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bumanat ka na may kasamang ligaya. Sa ganitong kalagayan, tiyak na ‘di lang isa ang darating na suwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-13-31-33-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gawin mong puhunan ang ilang suwerteng mapapasaiyo at ipagpaliban mo muna ang pagsasaya kasama ang iyong mga kaibigan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-17-24-36-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo kailangan ang tulong ng iba, lalo na’t may kakayahan kang paunlarin ang sarili mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-16-24-30-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lihim kang tumawa kapag ang mga karibal mo ay nakakaporma, dahil ito ang kondisyon para mahulog sa iyo ang malaking suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-12-15-21-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Natatapon ang tubig kapag umaapaw ang timba. Kay naman, huwag mong panghinayangan ang mga mawawala sa iyo. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-16-22-31-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magtutuluy-tuloy ang mga suwerte mo kahit pa nakakaranas ka ng mga kamalasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-10-19-26-34-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakapagod kapag ang panahon ay maalinsangan. Ang nakakapagtaka, mas magandang mapagod sa ganitong sitwasyon. Sapagkat, sa ganitong sitwasyon, kapag napapagod ka, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-14-25-27-35-41.
Comments