ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-27 Araw ng Marso 2024
Sa may kaarawan ngayong Marso 27, 2024 (Miyerkules): Tinitiyak ng iyong kapalaran na ikaw ay magtatagumpay sa iyong mga pangarap. Tinitiyak din nito ang iyong pagyaman. Ito ang mensahe para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Suwerte ka ngayon. Sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba kundi ang mga hindi naniniwala sa iyo at sila na walang ibang ginawa kundi ang kontrahin ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-7-9-12-27-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapang lang ang kailangan mo para yumaman. May tapang ka sa loob ng iyong katawan, kaya ilabas mo ito at muli, tapang ang magbibigay sa iyo ng yaman. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-3-15-24-33-40-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Kontrolin mo ang iyong sarili. Ang sugod nang sugod ay nasasaktan at may pagkakataon na nadadapa at matagal bago makabangon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-8-17-23-35-44.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang pangarap mo, ‘yun ang tutukan mo. ‘Wag kang magkakamali na paghirapan ang pangarap ng iba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-7-16-25-29-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Papataas ang takbo ng buhay mo. Huwag ka masyadong magsaya. Ang sobrang nagsasaya habang nagsisikap ay nagiging sanhi ng pag-atras ng kabuhayan. Ito mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-4-17-19-28-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pahalagahan mo ang mga materyal na bagay na nagdaratingan sa iyo. Mali ang akala ng marami na ang mga materyal na bagay ay kalaban ng tao. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-14-23-26-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Talasan mo ang iyong isip at pakiramdam. Hanapin mo ang munting puwang o butas na kapag iyong dinaanan ay magugulat ka at hindi makakapaniwala na ikaw ay buhay-mayaman na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-13-18-25-35-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nabubuhay din ang tao sa pag-iisa, pero walang saya ang kanyang buhay. Saya ang hanapin mo dahil kapag ang tao ay masaya, ang lahat ng maganda ay mapapasakanya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-16-21-29-37-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lalawak ang kabuhayan mo kung hahangarin mo ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-12-18-27-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ingatan mong lumabas ang nakatagong tapang mo. Minsan ka nang nagalit at wala kang nakilala na kahit sino. Kumalma ka lang sa harap ng sitwasyong hindi mo maintindihan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-16-25-31-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mawawala ang tapang ng mga tunay na matapang kapag natitigan ang simple at munting mga ngiti sa iyong labi. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-8-17-26-35-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lalakas ang loob mo na ikakagulat ng mga nasa tabi mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-7-11-19-28-34.
Comments