ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-24 Araw ng Marso 2024
Sa may kaarawan ngayong Marso 24, 2024 (Linggo): Negosyo ang magpapayaman sa iyo. Ito ang dahilan kung bakit hindi ka tumatagal sa iyong mga pinapasukan. Ito ang ibig sabihin ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bilis ang susi para makuha mo ang gusto mo at bilis din ang magbibigay sa iyo ng malalaking yaman. Kaya huwag kang babagal-bagal. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-29-35-40-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit pa na malungkot ka, libangin mo pa rin ang iyong sarili para sumaya ka. Dahil ang gusto ng langit ay maging masaya ka. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-11-13-17-20-29-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Sabay-sabay ang dating ng mga suwerte. Maging masinop at mapagpahalaga ka sa mga biyayang ipinagkakaloob sa iyo ng langit. Ito ang tunay na susi ng iyong magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-21-25-33-40-44.
CANCER (June 21-July 22) - Pasasayahin ka ng langit, dahil ayaw niyang nakikita kang may lungkot sa iyong mga mata. Ang puso mo ay mapupuno rin ng kagalakan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-14-16-26-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gawin mo ang gusto mo, pero gawin mo ito na may saya sa iyong kalooban. Sa ganitong paraan, mas mabilis kang yayaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-4-17-22-27-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang araw mo at ang iba pang mga araw ay para pa rin sa iyo. Mapapahiya ang mga lihim at lantad mong mga kaaway dahil wala silang magagawa kundi ang pakisamahan ka. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-18-25-39-40-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magsuot ka ng maganda para gumanda rin ang takbo ng iyong kapalaran. Ang mga luma at kupas na ay huwag mo nang gamitin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-19-21-24-33-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi masama na magtanong sa mga taong may alam. Ang masama ay ang nagdunung-dunungan. Humingi ka ng payo sa mga taong alam mong successful na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-16-18-27-29-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tularan mo ang mga taong umangat sa buhay. Nang sa gayun ay umangat din ang iyong buhay. Huwag kang maniwala sa mga taong nagsasabing bawal mangopya at gumaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-11-19-26-29-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magpasya ka at bilisan mong magpasya. Kapag mabilis ka, tiyak na tatama ka. Pero, kapag pinatagal mo ang mga bagay, mali ang magiging resulta. Ito ang gabay ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-20-25-34-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka mauubusan ng mga suwerte kaya huwag kang manghinayang sa mga suwerteng ‘di mo napapasakamay, at harapin mo ang bawat araw na may positibong pananaw. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-15-22-29-37-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Negosyo ang unahin mo, at paniguradong ibibigay sa iyo ng langit ang lahat ng bagay na ikakaligaya mo. Muli, negosyo ang unahin mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-18-20-24-38-41-45.
Comentarios