ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-23 Araw ng Marso 2024
Sa may kaarawan ngayong Marso 23, 2024 (Sabado): Huwag kang masisindak sa mga hamon ng iyong kapalaran dahil ang lahat ng ito ay iyo rin namang malalampasan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumaban at huwag kang susuko. Hindi sapat na dahilan na marami ang naduwag kaya matatakot ka rin. Muli, lumaban at huwag kang susuko. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-7-18-22-29-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit gaano kakapal ang madilim na ulap, lilitaw at lilitaw pa rin ang sikat ng Haring Araw. Kailangan mo maging matatag at positibo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-15-21-24-39-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit hindi mo gaanong sinasang-ayunan ang mga patakaran ng mga otoridad, sumunod ka pa rin dahil hindi ngayon ang panahon para umangal. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-16-25-29-33-40.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat panghinaan ng loob dahil walang katiyakan ang mga araw na darating. Ang mahalaga ay buo ang iyong loob na lumaban sa mga pagsubok sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-24-30-35-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nanghihina ang hindi kumakain, kaya kumain ka at ang kainin mo ay ang masusustansyang pagkain. Hindi dahilan na ikaw ay malungkot kaya nawawalan ka ng ganang kumain. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-14-17-20-24-39-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka ayon sa ikakabuti ng nakakarami. Huwag kang sumalungat sa agos ng buhay. Ang isang mali at kontrang pagkilos ay maaaring mauwi sa kapahamakan ng lahat. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-19-25-34-37-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang utos, ‘yun ang dapat na masunod. Sumunod ka lang sa mga taga-utos nang sa gayun ay maging maayos na ang galaw ng mundo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-8-21-29-33-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makibahagi ka sa mga tumutulong at nagsasakripisyo para sa lahat. Kahit hindi gaanong malaki at kahit hindi gaanong marami, maganda pa rin na makapagbigay ka ng tulong. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-7-17-27-38-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ngayon ang panahon para mag-aksaya. Hindi rin ngayon ang panahon para sa bonggang pagsasaya. Bagkus, ngayon ang panahon ng pagtitipid at pagsisinop. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-15-18-21-32-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Manatili ka sa bahay at ipagpaliban mo muna ang mga aktibidad na nangangailangan ng paglabas sa bahay. Mahirap paniwalaan, pero sobrang mapanganib kapag nasa labas ng bahay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-19-28-34-39-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Puwede namang sumaya kahit nasaan ka dahil ang saya at lungkot ay nagmumula sa isip. Magsaya ka at iwasan mong maging malungkot. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-17-20-22-25-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong ipagdamot ang iyong mga kaalaman. Malaki ang maitutulong mo sa mga taong nagdududa at nag-aalinlangan sa mga nangyayari sa kapaligiran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-9-11-20-29-35.
Comments