top of page
Search
BULGAR

Horoscope | Marso 22, 2024 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-22 Araw ng Marso 2024



Sa may kaarawan ngayong Marso 22, 2024 (Biyernes): Ginagarantiyahan ang araw na ito na mapupunta ka sa mataas na puwesto, dahil isinilang ka upang maging tagapamahala at tagapangasiwa.


 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maraming magagandang ideya ang mabubuo sa iyong isipan na mas lalong magpapaunlad sa kabuhayan mo, lalo na kung magsisimula ka na ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-9-12-16-24-33. 


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kesa magmaktol ka sa mga sitwasyong hindi gaanong pabor sa iyo, mas magandang ihanda mo ang iyong katawan at isipan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-23-27-35-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Sasaya ka dahil tama ang iyong inaakala na papunta na sa suwerte at magandang pangyayari ang iyong kapalaran. Hindi ka ngayon magkakamali dahil malinaw na nakikita sa bolang kristal ang iyong paglalakbay at pagsakay sa isang sasakyang panghimpapawid. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-19-21-25-39.


CANCER (June 21-July 22) - Biglang luluwag ang iyong sarili. Hindi magandang pigilin mo ang iyong sarili sa mga bagay na gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-11-18-27-37-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit alam mong mahihirapan ka sa ambisyon mo, ituloy mo lang. Dahil makukuha mo rin naman ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-19-26-28-36-45. 


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Marami ang matutuwa sa iyo dahil marami silang matututunan kapag kasama ka. Pero, hindi puwedeng lagi kayong magsama dahil kailangan mo pa ring kumita ng pera. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-17-23-27-33-40. 


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang mangyayari ngayon. Ang iba ay tataba, maski ikaw ay tataba rin. Subalit, magbabalik din naman ang dati mong kagandahan habang sila naman ay masisitabaan pa rin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-19-22-31-36-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makisali sa magugulong sitwasyon. Lumayo ka sa mga taong kahit paliwanagan mo ay hindi pa rin makaintindi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-15-18-25-37-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong hayaan ang iyong sarili na nag-iisa at ayaw na may nakakausap. Tunay ngang maganda kapag tahimik, ngunit hindi naman masaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-14-23-26-39-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) -Kontrolin mo ang kakaibang katangian na kapag galit ka, may sinabi ka sa iyong kapwa. Ang una mong kontrolin ay ang iyong galit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-19-22-33-38-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pasayahin mo ang kapwa mo kahit na malungkot ka rin naman. Dahil ang lungkot na sumasaiyo ay panandalian lamang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-22-31-37-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong sarilihin ang mga magaganda at pangit na pananaw. Sabihin at ipamalita mo ito sa iba. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-4-10-19-38-40.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page