top of page
Search

Horoscope | Marso 2, 2025 (Linggo)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 2, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 2, 2025 (Linggo): Hanga ang langit sa taglay mong kabaitan at pagiging maawain sa iba. Ito rin ang dahilan kung bakit ka makakaranas ng mga biyaya.  


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mababa ang loob mo ngayon. Kaya naman, lumayo ka muna sa mga mapagkunwaring kawawa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-20-28-33-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bago mo mahalin ang iyong kapwa, mahalin mo muna ang iyong sarili, nang sa gayun ay matupad mo ang banal na utos na mahalin natin ang ating kapwa, tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili.  Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-11-16-20-24-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Panoorin mo ang mga bata na malayang naglalaro na walang iniisip na negatibo. Isabuhay mo rin ito ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-18-23-30-38-41.


CANCER (June 21-July 22) - Iyo ang araw na ito. Ibabalik ng langit ang araw, kung saan kaya mong gawin ang mga bagay na inakala mong hindi mo magagawa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-19-26-28-34-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tutulungan ka ng mga taong akala mo’y mahina. Ito ay isang paraan na nagsasabi na huwag kang basta-basta manghuhusga. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-17-22-31-35-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magdahan-dahan at mag-ingat ka! Pag-aralan mo munang mabuti ang mga bagay na gusto mong gawin sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-15-20-31-37-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - ‘Wag mo nang ituloy ang masama mong binabalak. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-12-28-38-40-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pabor na pabor sa langit ang mga plano mo. Kaya naman, hindi ka dapat mag-alinlangan ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-17-22-24-34-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahina ka ngayon at alam din ito ng langit. Kaya papadalhan ka Niya ng taong malakas, subalit pansamantala lang siya sa iyong tabi. Kaya iwasan mong mahulog nang husto sa kanya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-14-21-27-39-41. 


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayong araw bubuhos ang tulong sa iyo ng iyong kapwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-10-19-27-38-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mag-aalinlangan ka ngayon. Gayunpaman, tibayan mo ang iyong loob. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-17-23-37-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na mabibigo ang iyong mga lantad at lihim na kaaway. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-16-20-24-31-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page