top of page
Search
BULGAR

Horoscope | Marso 2, 2024 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Marso 2, 2024


Sa may kaarawan ngayong Marso 2, 2024 (Sabado): Ipagpatuloy mo lang ang kabutihang ginagawa mo sa iyong kapwa para hindi ka tanggihan ng langit sa iyong mga kahilingan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang lumayo sa mga taong mahilig dumilihensya pero hindi naman marunong bumalik para magpakita man lang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-21-29-34-40.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muli mong pagbigyan ang mga taong nagkulang sa iyo. Ikaw din naman ay nagkukulang din. Mas maganda kung mayroon kang malawak na pang-unawa at pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-17-22-36-41-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Maging maagap ka ngayon. Totoo ang kasabihan na, “Daig ng maagap ang masipag.” Pero, kapag maagap at masipag ka, tiyak na malayo ang iyong mararating. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-26-33-37-40-43.

 

CANCER (June 21-July 22) - Susunod sa iyo ang gulong ng iyong kapalaran. Kung saan mapapahinto mo ang roleta na may dalang suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-9-11-19-26-39.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Magbabalik ang mga taong pinakitaan mo ng maganda. Sa pagkakataong ito, magugulat at mamamangha ka dahil mas maganda ang ipakikita niya sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-26-35-38-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nabibigo ang mga taong humihinto, kaya mali ang sinasabi nilang talo ka. Paano ka matatalo gayung patuloy ka namang lumalaban at nagpapalakas? Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-17-22-28-31-39.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang papadaya. Ang mga pangako ay hindi nabibilang, at ang mga bagay na hawak mo na ay ‘wag mong hayaang mapunta sa iba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-27-33-40-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nananalo ang mga taong nagiging masaya matapos na makipaglaban sa hamon ng buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-25-28-31-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Panatilihin mong nakasayad ang mga paa mo sa lupa dahil ang bumabagsak lang na nasa itaas ay ang mga taong ‘di marunong tumanaw ng utang na loob. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-12-24-30-33-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang mangamba. Ituloy mo lang ang iyong pagsisikap dahil hindi ka pupuwedeng talunin ng takot. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-13-20-37-41-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang maluwag iyon ang piliin mong landas. Hindi ka isinilang para sa mahirap na gawain. Muli, kung saan maluwag, iyon ang iyong piliin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-8-17-26-35-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mag-ipon ka ng kaalaman sa papasukin mong negosyo. Ito ang magbibigay ng garantiya na hindi ka matutulad sa mga naunang sumubok pero kalaunan ay nabigo rin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-9-18-28-33-40.

 


0 comments

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page