top of page
Search
BULGAR

Horoscope | Marso 19, 2024 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-19 Araw ng Marso 2024



Sa may kaarawan ngayong Marso 19, 2024 (Martes): Dadaloy sa buhay mo ang magagandang kapalaran dahil sa kakaibang kabutihan mo sa iyong kapwa.

 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magsaya ka para suwertehin ka. Bakit mo papansinin ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng kalungkutan? Muli, magsaya ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-27-33-39-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang sinabi mo, panindigan mo. Saka mo na lang ito baguhin kapag napanindigan mo na. Masuwerteng kulay-yellow.

Tips sa lotto-6-15-19-36-42-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Hayaan mo ang mga taong lumayo sa iyo dahil panigurado muli rin naman silang babalik sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-13-22-28-33-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Hindi dapat masira ang diskarte mo dahil lang sa naririnig mong balita. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-23-31-39-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Manood ka at huwag mong panghimasukan ang makikita mong batas na nangyayari sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-12-24-30-35-43.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nababanat ang katawan ng nag-eehersisyo ganundin ang mga nagtatanim ng halaman. Malinaw ang ibig sabihin, nagtatanim at nag-eehersisyo pa lang ay umaani na ng benipsiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-18-28-33-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi masasayang ang iyong gagawing pagsisikap. Kahit huminto ka dahil hindi ka sanay sa mahirap na sitwasyon, aani ka pa rin mga kakaibang suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-3-24-32-39-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang manghinayang sa mga hindi mo masusunggabang oportunidad. Magbabalik pa rin ang mga ito dahil sila ay espesyal na nakalaan para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-9-15-18-27-36.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ang kinabukasan ay mas mahalaga kesa sa kasalukuyan at lalo itong importante kesa sa nakaraan. Kaya tutukan mo ang pagpapaganda sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-14-23-33-38-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakikita mo na ang mga dapat gawin, pero hindi ka pa rin kumikilos. Para mapadali ang iyong pagkilos, isa-isa lang muna at huwag mong pangarapin na pagsabay-sabayin ang mga ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-17-19-22-37-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang kailangan, ‘yun ang iyong ibigay, pero hindi ibig sabihin na sagutin mo lahat. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-9-18-26-36-45.

  

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag dalawa ang gumagawa, mas bibilis ang gawain. Pero kapag naging tatlo o higit pa, babagal na ito dahil marami na ang makikialam. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-10-17-20-25-34.


0 comments

Kommentarer


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page