ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-18 Araw ng Marso 2024
Sa may kaarawan ngayong Marso 18, 2024 (Lunes): Mula nang ika’y isilang, kakambal mo na ang panalo. Kaya huwag kang aatras sa anumang hamon ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Gawin muna ang anumang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-17-20-27-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lakasan mo ang loob mo. Huwag ka na maghintay ng senyales dahil ngayon ang tamang pagkakataon upang kumita ng malaking halaga. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-19-24-33-35-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo lang ang gusto mong gawin, huwag kang mag-alinlangan upang hindi ka masingitan ng mga taong gusto sisira sa iyong diskarte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-17-20-22-24-34.
CANCER (June 21-July 22) - Kakaibang sigla ang mapapasaiyo. Mapapakinabangan mo ito ngayon sa larangan ng negosyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-21-27-39-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lalapit sa iyo ngayon ang ilang mga suwerte. Huwag kang kukurap upang tiyak na mapasaiyo ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-24-39-41-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na may susunod sa iyo. Sa ayaw at sa gusto mo, susundan ka ng mga suwerteng noon pa naiinip at nag-aabang sa iyo. Ngayon ang tamang araw upang kumilos at makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-16-20-25-34-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Patuloy na madaragdagan ang iyong kaalaman, humingi ka ng payo at opinyon sa mga taong nakakatanda sa iyo dahil mas marami silang karanasan kesa sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-16-28-30-37-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Panindigan mo ang pinaniniwalaan mo. Hindi maganda kung sasakay ka lang sa sinasabi ng iba. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-24-33-34-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang tama, doon ka pumanig. Gawin mo ito kahit pa masaktan ang mga taong mahal mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-20-29-36-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Matuto kang magliwaliw upang magtuluy-tuloy ang iyong suwerte. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-18-21-26-34-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Papunta ka na sa pagbabago at maiiwanan mo ang mga taong ayaw magbago. Kapag may binago ka sa buhay mo, sunud-sunod na suwerte ang dadapo sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-15-20-23-34-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi pa tapos ang suwerte mo. May ilang malalaking suwerte ang paparating pa lang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-21-25-34-37.
Comentários