top of page
Search
BULGAR

Horoscope | Marso 17, 2024 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-17 Araw ng Marso 2024



Sa may kaarawan ngayong Marso 17, 2024 (Linggo): Harapin mo ang mga pagsubok sa buhay mo dahil nandito ang malaki at magandang kapalaran. Ito ang mensahe ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Obserbahan mo ang iyong kapwa. Kapag napansin mong hindi naman sila makikiisa sa iyong layunin, huwag mo na silang pag-aksayahan pa ng panahon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-20-34-39-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sumunod ka sa mga payo. Mas magandang sumunod kesa makipagmatigasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-26-30-33-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Maraming suwerte ang naghihintay sa iyo. Huwag kang mag-alinlangan dahil paniguradong uunlad at magtatagumpay ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-14-18-28-32-36.


CANCER (June 21-July 22) - Ituloy mo lang ang lahat ng gusto mong mangyari, kapag nagdalawang isip ka, maaari ka pang mabigo. Pero kapag sumugod ka nang sumugod, tiyak na magtatagumpay ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-16-19-22-39-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi dapat maging matigas ang iyong ulo. Mas magandang makinig sa mga babala at payo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-27-31-38-45.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipahiram mo muna ang magandang ideya na maaaring magpayaman sa iba. Kapag mayaman na sila, tiyak naman na babalatuhan ka rin nila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-15-17-22-26-34.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang mga pangyayari ngayon dahil ang mga taong madadamot sa kanilang kapwa ay mas susuwertehin kesa sa mga taong mapagbigay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-25-36-39-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bawasan mo ang pakikipagkuwentuhan. Mas magandang mamalagi sa loob ng bahay habang kumakain ng masustansyang prutas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-16-20-24-32-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Balikan mo ang mga nauna mong plano, dahil doon mo makikita ang mga magandang suwerte na puwede mong itugma sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-27-31-38-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Paunlarin mo ang iyong kaalaman. Ito ang kailangan mo sa mga darating na mga araw upang mabilis kang umasenso. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-19-25-28-30-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon ang araw upang mamasyal at makapag-unwind. Kapag nakapag-unwind ka, mas lalo kang susuwertehin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-13-27-31-40-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iwasan mong magalit dahil ang mga taong laging galit, mas mabilis na humihina ang resistensya. Mas magandang maging kalmado. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-17-20-25-34.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page