ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-16 Araw ng Marso 2024
Sa may kaarawan ngayong Marso 16, 2024 (Sabado): Gamit ang iyong mayamang imahinasyon, kahit anong ambisyon ay iyong makakamit. Ito ay ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbababala ang araw na ito at ang ilang araw pang darating na hindi sinasadyang madaraya mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pag-iisip. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-18-24-27-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makikitang ang mga salita at kilos ay malakas ang dating. Magagamit mo ang mga ito sa anumang layunin mo sa buhay. Iwasan mong magamit ng iba para sa kanilang sarili. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-12-25-31-36-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Malayo ang iniisip mo sa reyalidad. Mas magandang maging pratikal at makatotohanan ka dahil dito sa mundo, marami ang naliligaw sa pag-iisip ng maganda na hindi mangyayari. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-21-30-39-44.
CANCER (June 21-July 22) - Humahabol ang iyong mga suwerte. Panatilihin mo ang masayang personalidad nang manatili kang suwerte sa kabuhayan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-12-18-27-33-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makinig ka lang sa mga kuwento ng buhay pero huwag ka agad maniwala dahil maraming hindi totoo sa mga ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-4-10-19-28-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makikitang mas gumagana ang isipan mo kesa sa iyong mga kamay. Madaragdagan na naman ang maganda at kakaibang ideya mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-6-16-21-23-35-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung mayroon ka, tumulong ka. Kung wala ka, hindi ka dapat mangutang para lang makatulong sa iyong kapwa. Sa ibang araw, kapag mayroon ka na, saka ka na lang magbigay ng tulong. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-22-29-31-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdagdag ka ng mga kaibigan kung sakaling pagkatapos mong pag-aralan ang buhay mo ay natagpuan mong wala sa kanila ang hinahanap mong para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-21-27-34-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tapusin mo na ang mga kasalukuyang proyekto bago ka maghanap ng iba. Hindi maganda ang maraming dinadala dahil humihina ang katawan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-24-30-39-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli, unahin mo ang iyong sarili. Iwasan mong matangay ng awa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-26-31-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang mga kaganapan. Makikitang mapag-imbento ka at maraming maniniwala sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-13-20-22-29-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Manahimik at pumunta ka sa mapayapang lugar. Doon, kusang maglalabas-masok ang mga bagay na puwede mong gawin na magdadala sa iyo ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-7-16-25-35-42.
Comments