ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-13 Araw ng Marso 2024
Sa may kaarawan ngayong Marso 13, 2024 (Miyerkules): Marami ang hindi makakaunawa sa iyo. Huwag mo silang pansinin, unahin mo ang iyong layunin na makamit ang iyong mga pangarap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang makihalo sa mga hindi pagkakaunawaan, lalo na sa pagitan ng magkarelasyon at magkaibigan. Sarili mo muna ang iyong asikasuhin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-17-25-32-40-45
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Itugma mo sa takbo ng panahon ang iyong negosyo. Ibig sabihin, kung ano ang gusto ng mga tao, ‘yun dapat ang iyong produkto. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-27-29-33-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Masaya ka kapag may kasama, pero kung ang kasama mo ay palagi kang pinangungunahan, wala ring kuwenta, mas okey pa kung mag-isa ka na lang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-15-26-31-39-42,
CANCER (June 21-July 22) - Hinahabol ka ng mga intriga, pero huwag kang mag-alala dahil kasabay nito, humahabol din sa iyo ang magagandang oportunidad na magpapayaman sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-10-19-22-28-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muli, kapag hindi na nagbibigay ng magandang resulta ang isang sistema, lalo na sa pagnenegosyo, palitan mo. Huwag mo itong pilitin na paganahin dahil nagsasayang ka lang ng oras. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-16-20-25-34-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit pintasan at siraan ka nila, gumawa ka pa rin ng kabutihan. Nakamasid ang langit at ang pagpapalain ay ang gumagawa ng mabuti kahit hindi siya pinahahalagahan ng kanyang kapwa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-20-28-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi lahat matutulungan mo, pero tumulong ka pa rin. Sapat na ito para bumukas ang pintuan ng mga biyaya na nasa langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-18-21-30-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong hintayin ang ayaw dumating. Mas magandang kumilos lalo na kung para sa pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-7-16-25-34-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumayo ka sa mga taong alam mong madamot dahil sasama lang ang loob mo sa kanila habang dumikit ka naman sa mga taong mapagbigay upang sumaya ka. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-1-6-11-24-33-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magagalit sa iyo nang walang sapat na dahilan ang iyong kaibigan. Ngunit, huwag mo siyang pansinin para ‘di ka na rin maguluhan at mahirapan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-8-16-23-40-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Namamahinga ang mga ibon sa kanilang paglipad sa kalangitan. Ibig sabihin, kahit masaya ang mga aktibidad, kailangan mo pa ring huminto. Mamahinga ka kahit sandali lang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-13-18-29-33-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit pa na sumobra ang init ng ulo mo sa isang tao, huwag ka pa rin maging marahas. Subukan mong kumalma nang sa gayun ay hindi lumala ang sitwasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-6-17-22-31-40.
Comments