ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 8, 2025

Sa may kaarawan ngayong Marso 8, 2025 (Sabado): Ang pinakamabigat mong kalaban ay ang pag-aalinlangan, kaya’t huwag mong hahayaang manaig ito sa anumang oras.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malalaking kita ang naghihitay sa iyo. Kaya huwag nang lumiko at manatili ka na lamang sa iyong direksiyon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-14-21-30-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Idilat mo ang iyong mga mata sa mas magandang mundo. Ngayon ang tamang pagkakataon para tuluyan kang makalaya sa kalungkutan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-17-22-29-36-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Iyo ang araw na ito. Nag-uumapaw na biyaya ang ipagkakaloob sa iyo ng langit, kaya huwag mong kalimutang magbahagi upang makapagbigay ka ng kasiyahan sa iba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-20-24-33-43.
CANCER (June 21-July 22) - Pahalagahan mo ang iyong sarili, sapagkat mali kung inuuna mong bigyang halaga ang iba. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-12-16-27-35-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magdahan-dahan ka, mas mainam ang mabagal kesa sa mabilis. Kapag hindi ka nagmamadali, mas mapapansin mo ang mga posibleng aberya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-21-28-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magugulat ka sa sarili mo dahil kaya mo nang gawin ang mga bagay na dati ay inaatrasan mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-13-22-25-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabilis kang mapapa-“oo”, kahit hindi ka naman sigurado. Subalit magiging masaya ka pa rin naman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-15-19-24-27-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magpakalugmok at huwag mo ring lokohin ang iyong sarili na mas mabuti sa iyo ang malungkot. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-12-26-30-33-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hanapin mo ang kulang sa iyo. Huwag kang tumulad sa iba na nananatili kung ano sila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-11-13-25-28-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Patatatagin pa ng langit ang iyong kabuhayan. Subalit, mangyayari lamang ito kung patuloy mong papahalagahan ang mga bagay na nasa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-27-31-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakasawa rin ang marangyang buhay. Kaya ‘wag kang magulat kung minsan ay makakaramdam ka ng kalungkutan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-10-16-20-23-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ang walang laman ay kailangang punan, gaya ng iyong mga pangarap. Muli kang mangarap para maramdaman mo na ang tunay na saya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-15-25-33-44.
Comments