ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 7, 2025

Sa may kaarawan ngayong Marso 7, 2025 (Biyernes): Taglay mo ang mayamang imahinasyon. Kaya walang dahilan para ‘di ka umasenso.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maraming magagandang ideya ang maglalabas-masok sa isip mo. Sapat na ito upang mapaunlad mo ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-24-29-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong hayaan na manaig ang hinala, dahil maaari nitong sirain ang inyong relasyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-17-28-31-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Sasagi sa isip mong pumunta sa mga magagandang pasyalan. Subalit siguraduhin mo munang may maayos kang plano, dahil kung wala, baka hindi mo rin ma-enjoy ang kagandahan ng lugar. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-19-20-27-36.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi maganda ang pagtitimbang, dahil mas mapapansin mo lang ang kakulangan ng iba. Iwasan mo ito upang mapanatiling maganda ang takbo ng iyong araw. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-18-21-30-38-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Totoo na may kalamangan ka sa iba, subalit tandaan mo na may mga bagay na hindi kailangan ipagsabi. Kaya huwag na huwag kang magyayabang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-13-23-27-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakapagtaka ang buhay, dahil sa halip na malaking bagay ang mapansin natin, mas nauuna pa nating makita ang maliliit na pagkakamali ng iba. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-19-25-32-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Namumulaklak na ang mga punong-kahoy, tulad nila magiging kaakit-akit ka ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-28-30-36-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong buksan ang matagal nang nakasara. Ito ay ang mga kasalanang matagal mo nang kinalimutan tungkol sa isang tao. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-14-16-27-30-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maliligaw ka sa mga ideyang mula sa iba na sa unang tingin ay maganda. Sa lumang kasaysayan, ito ang katumbas ng mga magagandang babae na sumisira sa diskarte ng bida. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-15-22-24-29-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Oras na para isakatuparan ang magandang ideya na matagal nang naglalaro sa iyong isipan. Ngayon ang masuwerteng araw upang bigyang-buhay ang iyong mga plano. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-14-23-31-38-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong kalimutan mag-alay ng bulaklak sa iyong altar upang dalawin ka ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-13-16-20-32-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muling babalik ang panahon kung saan makakaramdam ka ng suwerte. Ikakagulat ito ng mga taong hindi naniniwala sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-24-27-39-42.
Comments