ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 6, 2025

Sa may kaarawan ngayong Marso 6, 2025 (Huwebes): Anuman ang mangyari sa buhay mo, iisa lang ang patutunguhan. Ayon sa araw ng iyong pagsilang, garantisadong yayaman ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na tiyak ang iyong tagumpay. Kumilos ka nang mabilis, dahil may basbas ka mula sa langit. Anumang gawin mo ngayon ay may malaking posibilidad na magtagumpay at matupad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-23-29-34-37-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) – Ang araw na ito, pati na ang mga susunod pang araw ay para sa iyo. Ngayon ang tamang pagkakataon upang simulan mo na ang plano kung paano madaragdagan ang iyong pinagkakakitaan. Gawin mo na ngayon! Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-12-17-24-30-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong ilihis ang atensyon mo sa pagtupad ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-18-20-23-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Napakalakas ng iyong karisma. Gayunpaman, mag-ingat ka, dahil maaaring maakit sa iyo ang taong may pananagutan sa buhay. Masuwerteng kulay-mocha brown. Tips sa lotto-2-11-22-27-40-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ka, kahit sabihin mong malakas ka. Isang biro man o seryosong usapan, kaya mo bang umiwas sa mga tukso na lumalapit sayo? Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-23-26-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Inspirado ka ngayon. Kaya mas mainam kung itutuon mo ang iyong mga kilos sa pagpapabilis ng iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-16-25-29-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Suwerte ka ngayon. Sumubok ka at tiyak na ikaw ay mananalo. Lakasan mo ang loob mo upang matanggap mo na ang mga biyayang handog ng langit para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-13-20-24-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdag-suwerte at umaapaw na biyaya ang ipinagkakaloob sa iyo ng langit ngayon dahil sa kabutihang ipinapakita mo sa iyong kapwa. Mas marami pang nakalaan para sa iyo, kaya ipagpatuloy mo ang pagiging mabuti. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-22-28-33-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ihanda mo ang iyong sarili para sa darating na magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-19-25-28-35-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi kayang tanggihan ng mahal mo ang iyong kahilingan. Kahit may pag-aalinlangan sa kanyang reaksyon, pagbibigyan ka pa rin niya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-13-27-30-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tama ang pakiramdam mo na marami ang nahuhumaling sa iyo. Isang magandang balita ito, lalo na kung nais mo silang pakinabangan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-21-26-39-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakagulat ang kapalaran mo sa ngayon. Kapag positibo ang tingin mo sa sarili mo, tiyak na mapapasaiyo ang suwerte. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-19-28-33-37-41.
Comments