top of page
Search

Horoscope | Marso 23, 2025 (Linggo)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 23, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 23, 2025 (Linggo): Mabilis ka sa lahat ng bagay. Sa biglang tingin, ito ay isang kahinaan, pero ‘wag kang mag-alala dahil mabilis ka rin namang susuwertehin.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magdahan-dahan ka! Sa pagiging marahan, nakikita ang lahat ng anggulo sa bawat pangyayari. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-14-23-39-44.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakagulat ang mga kaganapan ngayon, dahil biglang magbabago ang iyong isipan na maaaring hindi matanggap ng kinauukulan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-12-24-28-34-36.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon ang araw mo, sinumang sumalungat sa kagustuhan mo ay tiyak na masasaktan. Subalit ang mga sasang-ayon naman sa iyo ay makakabahagi ng iyong suwerte. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-10-18-25-32-42.

 

CANCER (June 21-July 22) - Susunod ka sa kagustuhan ng ibang tao, pero ang hindi nila alam, iba ang nasa loob mo. Kaya ikaw pa rin ang masusunod. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-27-30-35-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka na parang nakuha muna lahat ng gusto mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-22-29-34-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo dahil muling magaganap ang pangyayari na ayaw mong mapasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-18-21-23-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabilis ang mga kaganapan at magugulat ka na lamang na yakap-yakap mo na ang suwerte. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-17-25-28-35-43.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sunud-sunod ang pagdapo sa iyo ng suwerte at mamamangha ang mga taong walang tiwala sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-12-19-29-38-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maiiwanan mo ang mga nagdeklara na ikaw ang kanilang karibal. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-15-17-24-33-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang nagpapasaya sa iyo, siya ang pahalagahan mo. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-16-29-31-36-37.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napakahirap mong itali at hawakan. Ang sinumang magtangka na kunin ka ay mabibigo lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-14-23-28-38-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sabihin mo ngayon ang iyong kahilingan at huwag kang mag-alala, dahil magaganap pa rin naman ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-20-26-32-44.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page