top of page
Search

Horoscope | Marso 22, 2025 (Sabado)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 22, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 22, 2025 (Sabado): Talunin mo ang sarili mong kahinaan, nang sa ganun ay mas lumakas ka.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Mga aninong walang laman at buto lang ang kinatatakutang problema sa buhay. Ito rin ay sanhi ng paminsan-minsan mong pagkaduwag. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-20-24-28-35-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka mabibigo kung mapag-aaralan mong mabuti ang mga plano mo sa buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-21-27-31-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Nahaharap ka sa mabibigat na suliranin na kung sa iba mangyayari ay hindi nila makakayanan, pero sa iyo, mahirap paniwalaan na para ka lang nakikipaglaro sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-14-23-38-40.

 

CANCER (June 21-July 22) - Tinatakot mo lang ang iyong sarili. Dapat mong malaman na walang basehan ang mga bagay na kinakatakutan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-22-28-34-39-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Mapapasaiyo ang hindi sinasadyang naitapon. Kapag nasa iyo na, mamamangha ka sa mga magaganap dahil muling magsisimula ang pagkakaroon mo ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-25-30-38-45.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag pinalaya mo ang iyong sarili sa walang katapusang pag-aanalisa, makakausad ka rin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-12-27-31-36-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kaya lang naman nabibigo ang isang tao dahil ayaw na niyang magpatuloy sa pakikipaglaban. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-13-17-23-39-43.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumabas at makipagsosyalan ka sa iba, nang sa gayun ay makatikim ka ng suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-16-20-24-32-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mabuti sa tao ang lagi na lang nagpaplano at hindi naman kumikilos. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-15-29-35-38-41.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Laging may panibagong araw. Kaya walang ibang dahilan upang manatili ka sa kalungkutan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-18-26-34-38-43.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pansamantalang naitatago ng tao ang kanyang kahinaan. Sa mga araw na ito, maikukubli mo ang mga hindi maganda sa iyo, kaya naman lihim ka ring liligaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-14-17-23-33.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gumaganda ang sabayang musika dahil sa kumukumpas sa harap. Makiayon at sumakay ka lang sa mga pangyayari. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-12-25-31-36-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page