top of page
Search

Horoscope | Marso 21, 2025 (Biyernes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 21, 2025



Horoscope

Sa may kaarwan ngayong Marso 21, 2025 (Biyernes): Ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na aangat na ang iyong buhay.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Labis na humahanga sa iyo ang langit. Kaya naman magbubunga ng magaganda ang mga pagsisikap mo at madaragdagan ka pa ng mga espesyal na pagpapala. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-12-19-27-30-42.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahaharap ka ngayon sa isang pagsubok na kung malalampasan mo ay makakatanggap ka ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-15-25-33-40.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka puwedeng awatin sa pagkilos. Subalit, mas maganda pa rin kung tatalasan mo ang iyong isip. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-21-28-31-35.

 

CANCER (June 21-July 22) - Ramdam na ramdam ngayon ang magagandang ipinakikita ng taong nagpapahalaga sa iyo. Sa huli, kayo pa rin naman ang magkakatuluyan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-26-32-37-42.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Bumibilis ang mga kaganapan sa iyong harapan. Dapat maging mabilis ka rin upang ‘di makalagpas sa iyo ang naggagandahang oportunidad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-13-24-28-34-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ka, iyon ang ipakita mo. Hindi na dapat maulit pa ang mga nakaraan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-19-25-36-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Labanan mo ang iyong kahinaan. Kailangan mo itong gawin upang mapasaiyo ang tunay na kaligayahan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-18-23-29-33.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumikilos ang kapalaran upang ayusin ang mga pagkakamali mo. Ito ang mararanasan mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-26-30-32-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gumagaan ang mga pasanin kapag may katuwang. Alisin mo sa iyong isip na kaya mong harapin ang lahat nang nag-iisa. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-21-28-38-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pigilan ang mga taong nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Lahat naman tayo ay nagsimula sa wala. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-19-22-28-33-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Angat ka nang angat ngayon kesa sa mga taong gusto kang mabigo. Hindi mangyayari ang nais nila dahil ang kabiguan ay hindi para sa iyo kundi para sa kanila. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-24-27-31-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahirap maunawaan ang buhay ng tao. Tulad mo na ayaw umalis sa kalungkutan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-17-25-35-39-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page