top of page
Search

Horoscope | Marso 20, 2025 (Huwebes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 20, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 20, 2025 (Huwebes): Malakas ang iyong pandama. Kahit paulit-ulit silang magsinungaling, mabibisto mo pa rin sila. Gayunpaman, huwag mong hayaan na manaig ang emosyon mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling bubukas ang iyong puso, subalit magkakaroon ka ng problema sa love life. Ngunit sa tamang paliwanag, maaayos din ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-14-23-38-40.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bumabalik na ang iyong suwerte. Magandang senyales ito na malulutas na ang iyong problema. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-12-22-32-39-44.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Muling babagal ang ikot ng iyong mundo dahil sa problema ng iba. Hindi masamang tumulong, pero dapat may hangganan ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-8-21-26-38-43.

 

CANCER (June 21-July 22) - Bukas ang tenga ng langit para sa iyo. Kaya ngayon ang tamang oras para sabihin ang iyong mga kahilingan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-22-28-30-33.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag masaya ang iyong love life, gaganda rin ang daloy ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-19-21-29-34-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang basta-basta maniniwala sa sarili mong iniisip, lalo na kung puno ito ng negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-17-25-35-41-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Masamang biruin ang bagong gising, subalit ang mga taong bagong gising sa love life ay tiyak na mahuhulog muli. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-10-14-23-32-43.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbabadya ang matinding selos. Mahahadlangan mo ito kung papairalin mo ang iyong isip kesa emosyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-12-20-29-35-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pasayahin mo ang sarili mo. Ang taong masayahin ay may kakayahang makamit ang kahit anumang bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-28-30-33-41.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mag-ingat ka, dahil marami ang aamin ng kanilang pagtingin sa iyo. Piliin mo kung sino ang karapat-dapat. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-16-21-24-39-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mo nang habulin pa ang suwerteng nawala sa iyo, dahil mas malaking biyaya ang makakamit mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-13-26-28-34-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makinig ka sa iyong sarili. Sa huli, ikaw lang naman ang makakaalam kung ano ang mas makakabuti sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-17-25-31-42.

Yorumlar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page