ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 19, 2025

Sa may kaarawan ngayong Marso 19, 2025 (Miyerkules): Susuwertehin ka ngayon, habang ang iba naman ay kakapusin sa kanilang mga biyaya.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakakapagod ang araw na ito, kaya habaan mo pa ang pasensiya mo. Bagama’t nakakapagod, kapalit naman nito ang hindi inaasahang suwerte at biyaya. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-9-19-28-33-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ang suwerte ay nasa tabi mo lamang. Manatili kang masayahin upang mas mabilis itong lumapit sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-21-30-34-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Maraming suwerte ang darating sa iyo, kaya asahan mo na ang labis na kasiyahan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-24-26-30-35.
CANCER (June 21-July 22) - Masarap makatanggap ng regalo ngayong papalapit na ang bakasyon. Subalit, higit mong ipagpapasalamat ang mga ‘di materyal na bagay na nagdudulot sa iyo ng kasiyahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-14-17-20-29-31.
LEO (July 23-Aug. 22) - Panahon na upang ikaw ang manguna. Huwag kang manatiling tagasunod, dahil ang pagiging lider mo ang magdadala sa iyo ng paghanga, respeto at suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-22-27-32-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ibahagi mo sa iba ang iyong ideya. Marami kang magaganda at nakakatuwang plano na magpapasaya sa iba. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-21-28-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapapasaiyo ang suwerte, lalo na kung may magsusuot ka ng palawit. Hawakan mo rin ito paminsan-minsan upang dumapo sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-17-25-30-38-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw kung kailan lapitin ka ng suwerte. Magplano at mangarap ka, dahil anuman ang pangarapin mo ay maaaring matupad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-15-19-26-33-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ang mga bulalakaw ay patuloy na nagbibigay ng saya sa mga kakaibang hilig sa buhay, at isa ka roon. Kaya ipagpatuloy mo ang pagpapasaya sa iba. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-9-12-16-23-35-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ugaliin mong magpatunog ng mga barya, dahil epektibo itong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-26-30-39-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Saan ka man magpunta, dalhin mo ang iyong paboritong bag at yakapin ito paminsan-minsan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-13-18-20-27-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Manatili ka sa tabi ng mga taong masayahin, dahil hindi malabong lumipat sa iyo ang kanilang suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-11-16-29-34-41.
Comments