ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 18, 2025

Sa may kaarawan ngayong Marso 18, 2025 (Martes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong kapanganakan na matutupad na ngayon ang iyong mga pangarap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makipagsapalaran ka ngayon! Mas mainam kung sa negosyo mo ito ilalaan upang mas lumago ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-20-23-29-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang panghinaan ng loob, dahil bibigyan ka ng langit ng tapang upang maisakatuparan ang iyong mga nais. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-14-22-38-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Sobra ang tiwala mo sa iyong sarili, kaya mag-ingat ka, dahil anumang labis ay masama. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-25-30-37-45.
CANCER (June 21-July 22) - Kapag may kumontra sa iyo, lihim kang matuwa. Bago ibigay sa iyo ng langit ang suwerte, kailangan munang may sumalungat sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-22-38-35-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakakagulat ang mga kaganapan sa buhay mo. Ang mga pangarap mo ay mas lalaki. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-16-20-25-34-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ilabas mo ang iyong tapang at gamitin mo ito upang mapalago ang iyong kabuhayan. Hindi mo dapat ito gamitin sa pakikipagrelasyon. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-12-15-24-38-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gusto ka ng taong nagpapanggap na ayaw sa’yo. Para mapatunayan ito, subukan mong lumapit sa kanya at tiyak na hindi siya lalayo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-5-11-29-31-38-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipanatag mo ang iyong kalooban, dahil hindi ka madedehado ngayon kahit dumami pa ang kalaban mo sa negosyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-17-21-25-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Wala kang dapat ipangamba sa mga proyektong kailangan mong tapusin, dahil nakasalalay sa iyo ang langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-17-18-23-34-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakamangha ang iyong kapalaran. Kahit maliitin ka nila, lihim pa rin naman silang hahanga sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-13-29-33-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mawawala ang kayabangan ng taong akala mo’y hawak ang mundo. Sa huli, siya mismo ang susuko sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-16-21-28-30-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magmadali. Hayaang mong pumorma ang mga taong may bilib sa kanilang sarili. Kapag sila ay nabigo, ru’n ka kumuha ng aral upang hindi ka magaya sa kanilang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-25-34-36-44.
Comments