ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 17, 2025

Sa may kaarawan ngayong Marso 17, 2025 (Lunes): Malakas ang dating ng suwerte mo ngayon. Kaya lang, aanga-anga ka, kaya marami pa rin ang mananamantala sa kahinaan mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipagpatuloy mo ang ningas ng iyong sigasig upang ‘di ka mabigo. Kaya lang naman tayo nabibigo ay dahil nawawalan tayo ng sigla na magpatuloy. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-20-23-39-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Paminsan-minsan, tapikin mo rin ang banga sa bahay n’yo. Dahil nandu’n ang mga suwerte mo. Kapag kailangan mo ng suwerte, tapikin mo lang ang banga. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-10-27-30-37-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Isuot mo ngayon ang paborito mong damit. Dahil ito mismo ang pampasuwerte mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-16-20-25-34-44.
CANCER (June 21-July 22) - Harapin mo na may saya at sigla ang tag-ulan. Dahil ang mga patak ng tubig ang magsisilbi mong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-11-15-23-30-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit makulimlim, hintayin mo pa rin ang sikat ng araw, dahil ang sikat nito ang magpapalakas ng suwerte mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-14-18-24-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung gusto mong makuha ang gusto mo, sundin mo ang payo ng iyong kapalaran. Gayunpaman, iwasan mong gamitin ang mga bagay na kupas at luma. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-19-25-39-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simple lang ang sikreto upang buwenasin ka. Makipag-usap ka lang sa mga dati mong kaibigan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-12-20-35-37-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit hindi mo aminin, may iniingatan kang isang bagay na gawa sa metal. Ingatan mo ito ngayon, dahil may dala itong suwerte para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-2-14-23-27-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang talab sa iyo ang makakapal na ulap, dahil nakabaon sa kamalayan mo na ang mga ulap ang magbibigay ng suwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-21-25-38-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang sikreto kung paano ka bubuwenasin dahil ayon sa iyong kapalaran, isayad mo lang ang mga paa mo sa lupa, agad na darating sa iyo ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-19-22-31-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nauuna ang ihip ng hangin bago dumating ang buhos ng ulan. Samantalahin mo ang nasabing pagkakataon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-17-28-32-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka puwedeng hindi kumilos. Tumayo at umupo ka - ito ang simpleng paraan upang mapasakamay mo ang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-16-20-29-37-45.
Comentários