top of page
Search

Horoscope | Marso 16, 2025 (Linggo)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 16, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 16, 2025 (Linggo): Huwag kang matakot kung mapapalayo ka sa pamilya mo. Buksan mo ang iyong isipan, dahil ang paglayo ay makakaganda sa iyong kapalaran at kabuhayan.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling magbabalik ang mayaman mong imahinasyon. Magagamit mo ito sa anumang layunin mo sa buhay, pero mas maganda kung gagamitin mo ito upang umunlad ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-21-25-38-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbababala ang mga araw na ito na mas malakas sa iyo ang mga mapagsamantala. Humingi ka muna ng payo sa mga taong pinagkakatiwalaan mo bago ka magpasya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-12-19-22-34-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Isip ang paganahin mo at isara mo muna ang iyong damdamin. Kapag nagpatanggay ka sa bugso ng iyong damdamin, maaari kang magsisi. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-26-30-37-44.

 

CANCER (June 21-July 22) - Hawak mo ang orasyon ng iyong kapalaran. Isa itong pribilehiyo na pinagkaloob sa iyo, nang sa gayun ay mas lalo pang umunlad ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-17-24-33-38-42.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Isa lang dapat ang ibigay mo sa mga nangangailangan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-27-31-36-43.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong kalimutan na taglay mo ang kakayahang magtuos. Ilabas mo ito ngayon, nang sa gayun ay ‘di masobrahan ang iyong mga gastusin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-14-26-30-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maraming nakakaing uod ang ibon na maagang nagigising. Hindi ka dapat mabiktima ng mga mandaraya na nag-aabang sa mahihina. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-17-20-25-34-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Para lang sa kaayusan ang ibigay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-14-24-31-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Narinig muna ba ang isang hakbang paatras at dalawang hakbang pasulong? Isa itong epektibong pormula ng tagumpay ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-16-21-26-37.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang nakita mo, iyon na ‘yun. Gayunpaman, umiwas sa mga taong mang-uuto sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-13-25-35-38-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi muna kailangan ang mahaba at maraming salita. Magkunwari ka na lamang malungkot. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-9-14-22-34-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Maging masinop at mapagpahalaga ka sa mga suwerteng mahahawakan mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-18-27-36-44.


Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page