top of page
Search

Horoscope | Marso 15, 2025 (Sabado)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 15, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 15, 2025 (Sabado): Kahit pa magkamali ka ng mga desisyon, kikilos pa rin ang iyong kapalaran upang mas gumanda ang iyong kinabukasan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatamaan ka ng sinag mula sa bituin na ang may pangalang ‘Bituin ng Suwerte’ at ‘Kasaganahan’, dahil dito guguhit sa kapalaran mo ang malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-20-31-39-42.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong sayangin ang mga biyayang mapapasakamay mo. Iwasan mong matulad sa mga taong sinusuwerte, pero dahil sa sobra nilang kasiyahan, agad nilang inuubos lahat ng kanilang suwerte. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-9-13-19-25-33-43.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mag-alala, dahil hindi ka naman pababayaan ng iyong kapalaran. Palagi itong mag-aabang sa landas ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-10-14-22-39-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Mananalo ka! Pero kailangan mo munang magsuot ng bago at magandang damit. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-28-35-37-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hihinto ang pagdating ng iyong mga suwerte. Huwag kang mabahala dahil sa muling pagkilos mo, tiyak na may magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-16-25-34-38-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ang kislap ng magagandang kapalaran ay makikita sa iyo. Puwede kang magsaya at magdiwang dahil sa panahong ito ng summer, tiyak na magagalak ang puso’t damdamin mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-18-24-30-33-43.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gusto mo na bang lumipat ng tirahan? Tama ang iniisip mo, pero ‘wag muna ngayon. Kumbaga, maghintay ka muna ng magandang pagkakataon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-21-28-32-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bantayan mo ang sarili mo. Ito ang payo para makaiwas ka sa mga biglaang pag-atake ng karamdaman. Mas maganda kung mag-iingat ka kesa lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-27-38-40-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lahat ng bagay ay nagbabago. Kaya huwag kang magtaka kung magbago man ang paraan mo sa pagpili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-20-24-36-43.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabigat ba ang iyong pakiramdam at feeling mo magkakasakit ka? Ipanatag mo ang iyong kalooban, dahil ito ay senyales na may mabigat at malaking suwerte ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-16-25-35-37-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mag-ingat ka sa pagkilos at pag-iisip, dahil may tsansang makagawa ka ng pagkakamali pero mabilis mo rin naman itong maitutuwid. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-13-23-31-33-45.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kambal na suwerte ang mapapasakamay mo ngayon. Magugulat ang marami dahil aakalain nilang buwenas ka ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-14-22-30-41.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page