top of page
Search

Horoscope | Marso 14, 2025 (Biyernes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 14, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 14, 2025 (Biyernes): Mabilis ang takbo ng mga pangyayari sa iyong buhay, kaya dapat handa kang sumabay upang sunggaban ang mga oportunidad na darating.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Unahin mo ang negosyo at isantabi mo muna ang ibang bagay. Ngayon ang tamang panahon upang palaguin ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-17-24-30-34-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kunin mo ang nararapat para sa iyo. Kapag sinunod mo ito, tiyak na pagkakalooban ka ng langit ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-13-25-35-43. 


GEMINI (May 21-June 20) - Wala kang dapat ikabahala kahit mabilis ang galaw mo. Sa katunayan, ito pa nga ang susi upang lalo pang dumami ang biyayang ibibigay sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-14-29-32-45.


CANCER (June 21-July 22) - Susundin mo ngayon ang iyong damdamin kahit sabihin pang tutol ang iyong isipan. Gayunpaman, huwag kang mag-alala dahil mapapasaiyo pa rin naman ang kaligayahan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-19-27-33-36-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Atras-abante ang suwerte mo, pero sa huli ay patuloy ka pa ring dadalawin ng magandang kapalaran. Magtiwala at ipagkaloob mo lang sa langit ang iyong pananampalataya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-18-24-38-40-45. 


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kusang inaayos ng kapalaran ang buhay ng bawat tao. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-15-20-29-34-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabilis kang aasenso, pero mabilis ka rin magkakamali. Gayunpaman, ‘wag kang mangamba dahil hindi ka naman pababayaan ng langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-16-22-30-33-36.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iwasan mong makisali sa gulo kung ayaw mong madamay. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay–aquamarine. Tips sa lotto-7-10-14-25-32-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - May dalang ginhawa ang hangin. Kaya maglaan ka ng oras para maglibang upang manumbalik ang iyong lakas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-19-29-30-35-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit wala kang ginagawa o hinihiling, darating pa rin ang suwerte sa iyong buhay. Kaya huwag mong kalimutang magpasalamat sa Diyos. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-13-22-31-37-40. 


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nadadapa ang nagmamadali, pero hindi ito para sa iyo. Bilisan mo ang pagkilos upang mawala sa balanse ang mga lihim at lantad mong kaaway. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-10-14-25-34-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pakinggan mo ang payo ng mga taong malalapit sa iyo. Sila ang magiging susi mo tungo sa magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-7-16-28-39-43.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page