ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 13, 2025

Sa may kaarawan ngayong Marso 13, 2025 (Huwebes): Bago mo tulungan yumaman ang iba, unahin mo muna ang sarili mo. Walang masama sa pagtulong, pero mas mahalaga kung tutulungan mo munang umangat ang iyong sarili.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Masikip ang landas na iyong tinatahak, subalit kung determinado ka, tiyak na mapagtatagumpayan mo rin ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-14-23-28-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iwasan mo ang mga taong reklamador, dahil baka mahawa ka pa sa kanila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-13-20-25-34-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Sunud-sunod ang pagdating ng suwerte mo. Kapag dumating ang isa, asahan mong may kasunod pa ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-19-24-31-37-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kung may gusto kang makamit, pagtuunan mo ng atensiyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-10-16-22-32-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Karaniwan, ang unang lumalaban ay siyang unang nabibigo. Dapat kang matuto sa pagkakamali nila upang hindi mo na danasin pa ang parehong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-29-33-36-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magpanggap kang mahina upang makampante ang iyong kalaban. Kapag dumating ang tamang pagkakataon, sumugod ka na! Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-16-25-31-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi naman masamang mangopya, basta sa mabuting bagay. Ang masama ay may nakikita kang maganda sa iba, pero ayaw mo lang gayahin dahil nahihiya ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-18-23-26-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pagdamutan ang mga taong lalapit sa iyo. Sa ganitong paraan, ang langit ang mismong magbibigay sa iyo ng mga pagpapala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-12-17-20-37-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mamili ng mga taong isasama mo sa iyong mga plano. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-21-29-36-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang mangamba sa mga sakripisyong gagawin mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-13-27-30-35-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakapitan ka ng suwerte ngayong araw. Kaya naman, gawin mo na agad anumang plano mo, dahil tiyak na magtatagumpay ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-13-19-22-31-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Matuto kang magpatawad. Mas masarap mabuhay nang maluwag ang kalooban kesa may dinadalang hinanakit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-16-27-33-40.
Comments