top of page

Horoscope | July 11, 2021 (Linggo)

  • BULGAR
  • Jul 11, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 11, 2021


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 11, 2021 (Linggo): Huwag mong kalimutan ang sarili mong kapakanan habang tumutulong ka sa mga tao. Mas maganda na mapaunlad mo rin ang iyong sarili.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang tumulad sa iba na humihinto kapag may suwerte na. Tuluy-tuloy kang magsikap kahit nasa iyo na ang lahat ng ganda ng buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-20-23-25-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumikislap ang hindi pa makislap at ang dating makislap ay kumukupas na. Kumuha ka ng aral sa nasabing mga salita. Sa ngayon, kumikislap ka pa, ngunit ang mga kaaway mo at mga naiinggit sa iyo ay kumukupas na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-17-22-25-30-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo ang mahirap na kalaban dahil mula sa kanya, marami kang matututunan. Huwag mong piliin ang madaling talunin dahil lalabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-28-29-39-41.

CANCER (June 21-July 22) - Kung hindi mo kaya, mamahinga ka. Hindi masama ang humihinto para muling magpalakas at ang hindi maganda ay tuluyan ka nang aatras. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-9-15-16-27-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Tulad ng halamang mas lalo pang lumalago kapag nababawasan ang mga dahon, ikaw din ay mas pagpapalain habang ikaw ay nagkakawang-gawa. Ito ang mensahe sa iyo ng araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-19-22-28-38-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Binubuo ng mga buhangin ang nakakaakit na tabing-dagat. Ang magandang buhay mo ay bubuuin ng pinagsama-samang magagandang kapalaran. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-18-25-27-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumukuha ng malakas na buwelo ang kapalaran mo ngayon. Huwag mong akalain na hindi ka na binubuwenas. Makikita mo na mas malalaking suwerte ang napasasaiyo matapos bumuwelo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-14-16-26-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda ang mapagbigay, pero kapag paulit-ulit na nagdidilehensiya, hindi maganda na muling pagbigyan. Ito ang mensahe sa iyo ngayon ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-19-22-28-33-36.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ililigaw ka ngayon ng mga mata mo. Ang mga nakakaakit ay iyong mapapansin kung saan sasaya ka, pero sa huli, hindi pala maganda ang epekto sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-27-29-32-24.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi lang gaganda ang buhay mo kundi gaganda rin ang buhay ng mga mahal mo. Ito ay itinakda. Hindi ito kayang pigilan ng mga lihim at lantad mong kaaway. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-10-13-24-25-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa mga mapagkunwaring mabuti sa iyo. Paano mo malalaman kung sino? Kapag ang kabutihan na ipinakikita sa iyo ay may kapalit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-26-27-38-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tatanggap ka ngayon ng munting suwerte na kapag iyong pinarami ay sobra sa sapat para sa pangangailangan mo at para guminhawa na ang iyong buhay. Dahil dito, palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-20-21-29-33-38-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page