top of page
Search
BULGAR

Horoscope | January 28, 2024 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 28, 2024


Sa may kaarawan ngayong Enero 28, 2024 (Linggo): Kahit pa paulit-ulit kang magkamali, ang mga suwerte ay mapapasaiyo pa rin.

 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tumaya ka para manalo ka. Ibig sabihin, makipagsapalaran ka para suwertehin ka. Ngayon ang panahon ng iyong pakikipagsapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-6-9-22-27-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hahawiin ng langit ang mga sagabal at hadlang sa iyong buhay upang bigyang daan ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-18-21-30-33-42.

  

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang makihalubilo sa mga taong maiingay. Ang magandang salita ay walang silbi kung hindi naman hinahaluan ng pagkilos. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-6-14-23-32-41.

  

CANCER (June 21-July 22) - Tiwala lang sa sarili ang iyong kailangan. Balikan mo ang nakaraan, kung saan mayroon ka pang tiwala sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-20-29-34-40.

  

LEO (July 23-Aug. 22) - Batas ang salita mo, kaya mag-utos ka. Pag-ibig ang laman ng puso mo, kaya mas maganda kung ikaw ang magpapayo sa kanila. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-25-28-35-40-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Walang nakukuha sa boteng walang laman. Lumayo ka na lang, kapag napansin mong hindi makaunawa ang iyong kausap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-21-29-32-37-39.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Likhang isip lang ang mga nilalang sa mundo ng pantasya. ‘Wag kang magpadaya sa iyong isip. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-15-21-27-33-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag nasa kamay mo, saka mo bilangin. Ang mga paparating ay puwedeng mapunta sa mga mandaraya. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-7-16-18-29-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag nagbigay ka at hindi ka man lang pinasalamatan, lihim kang matuwa. Isa ito sa paraan para dumapo sa ‘yo ang malaking suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-16-23-28-33-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magpakatatag ka dahil hinihintay lang naman ng langit na maging matatag ka bago niya ihulog sa’yo ang isang suwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-17-26-35-37-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pumunta ka sa malayo. Ito ang nakalatag na kondisyon para mapasaiyo ang napakaraming mga suwerte na labis mong ikakatuwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-13-22-28-31-38.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tuparin mo ang pangako mo sa iyong kapwa. Kung hindi mo matutupad, sabihin mo agad. Sa ganitong paraan, humahanga ang langit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-20-25-29-34.

 

 


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page