ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 27, 2024
Sa may kaarawan ngayong Enero 27, 2024 (Sabado): Malayo ang iyong mararating. Makapunta ka sa malayong lugar dahil nandu’n ang iyong suwerte at magandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipanatag mo ang iyong loob. Higit na mas malakas ka kaysa sa iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-11-19-23-34-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Panoorin mo ang kanilang ikinikilos. Kapag iyong isinabuhay kung paano sila kumilos, agad na lalago ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-12-17-21-26-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Kitang-kita mo ang mabilisang paraan ng pagpapayaman. Pero kailangan mo munang ikonsidera ang nararamdaman ng iyong mga mahal sa buhay. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-5-14-22-27-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang mag-isip ng mga bagay na ‘di naman talaga nangyayari, at ingatan mo ang iyong isip na mahulog sa mga negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-4-17-24-29-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang mag-alala matayog ang iyong ambisyon. Sa katunayan, mas mataas na puwesto ang nakalaan para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-8-19-28-34-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hati-hatiin mo ang iyong oras. Sa ganitong paraan, hindi ka gaanong mahihirapan pero kapag pinagsabay-sabay mong tutukan ang mga gusto mong gawin, hihina naman ang iyong kalusugan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-4-18-26-35-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nasa masasayang kaibigan ang iyong mga suwerte. Mahirap man paniwalaan at sundin, ang payo sa iyo ay pasayahin mo rin sila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-9-21-27-33-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo ka sa mga taong mahirap kausap. Bakit mo pagtitiyagaan ang mga taong ‘di naman marunong umintindi? Mas magandang dumikit sa mga taong mabilis ang pag-iisip. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-22-25-31-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag nakakita ka ng mali, ituwid mo. Kapag ikaw ang magturo sa iba, agad na matutupad ang kanilang mga pinapangarap sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-15-26-32-36-41
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang nakakatulong sa iyo, sila ang dapat na hindi mawala sa buhay mo. Huwag mo rin silang ipagpalit sa mga bagong kakakilala mo palang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-22-26-31-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa mga taong may nililihim, puwede kang mahawa sa kanila, dahil kung ‘di mo sila iiwasan, hindi ka rin mapapanatag. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-16-22-28-34-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag may suwerteng dumapo sa iyo, ipamigay mo agad sa iba. Sa ganitong paraan, muli at muli kang bubuwenasin sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-12-20-29-31-44.
Comments