ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 26, 2024
Sa may kaarawan ngayong Enero 26, 2024 (Biyernes): Walang pagsubok na hindi mo malalampasan. Ibahagi mo sa iyong kapwa ang mga paraan kung paano mo ito napagtagumpayan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipanatag mo ang iyong loob. Higit na mas malakas ka kaysa sa iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-7-19-22-29-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang pumayag na talunin ka ng lungkot. Balikan mo ang hamon ng iyong kapalaran. Sa ganitong paraan, ang lungkot ay iyong matatalo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-18-21-28-33-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Suwerte ka sa mga panahong ito, at madami pang suwerte ang darating sa iyo. Kaya bilisan mo ang iyong pagpapasya at pagkilos. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-23-26-34-44.
CANCER (June 21-July 22) - Pagtitipid ang pinakamahalaga sa araw ng walang katiyakan kung gaganda ba ang ating kinabukasan. ‘Wag mong kaligtaan na makibahagi sa mga kuwentuhan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-13-20-31-39-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung wala kang magawa sa loob ng iyong bahay, mas magandang isulat mo ang iyong mga karanasan at pananaw na naglalabas-masok sa iyong isipan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-19-22-28-31-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Taglay mo ang kakayahang makakita ng magandang solusyon sa sandaling may problema ang iyong mga kasama. Ikaw ang katangi-tanging makakagawa ng mahusay na pagpapasya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-23-25-31-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pansinin ang mga taong naninira sa mga pagsisikap ng ibang tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-21-27-33-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tumulong ka at makibahagi sa paghahanap ng paraan upang mabawasan ang paghihirap ng mga tao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-12-23-30-34-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pamunuan mo ang grupo na handang tumulong sa mahihina. Taglay mo ang kakayahang makabuo para makapagbigay sa mga nangangailangan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-27-35-41-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo mapipigilan ang iyong sarili na tumulong sa iyong kapwa, kahit na kailangan mo rin ng tulong. Ito ang banal na misyon mo simula nang ika’y isilang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-08-13-17-22-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit na nag-aalala ka, pinapasaya mo pa rin ang mga tao. Mahirap paniwalaan, pero ito ang mismong mangyayari sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-16-20-25-29-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ibahagi mo ang magandang ideya para mabawasan ang paghihirap ng ibang tao. Mas maganda rin na ikaw mismo ang maging huwaran sa kanila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-19-26-33-40.
Comments