ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 25, 2024
Sa may kaarawan ngayong Enero 25, 2024 (Huwebes): Gamitin mo ang iyong imahinasyon para sa iyong negosyo. Ito ang susi upang ika'y yumaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbababala ang araw na ito na maaari mong dayain ang iyong sarili. Kaya ang payo sa iyo, kung ano ang masalat ng kamay mo, iyon ang tunay na bilang ng yaman mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-6-18-27-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - May suwerte ka sa pakikipag-ugnayan sa malayo. ‘Wag ka nang magdalawang-isip pa, dagdagan mo na ang iyong mga kaibigan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-15-21-36-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Mapapansin na malalim ang iyong iniisip, pero sa katunayan mababaw lang naman ito. Ang plano mong paglalakwatsa ay pagsasayang lamang ng oras at pera. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-23-29-32-41.
CANCER (June 21-July 22) - Tunay ngang napakasarap sa pakiramdam na mahalin tayo ng taong mahal natin, pero mas maganda pa rin kung mayroon din tayong pagmamahal para sa ating sarili. Sa ganitong paraan, hindi nila tayo maaabuso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-7-11-20-29-34-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang makisali sa gulo ng iba. Dahil sa pananahimik at pagiging abala ang daan upang ika'y yumaman, umasenso at lumigaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-10-22-28-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magulat kung sunud-sunod na suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Ang mahalaga ngayon ay lagi kang pumunta sa mga lugar na malapit sa nature upang mas madami kang suwerteng masagap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-15-23-29-33-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo. Kung mabigo ka man, ‘wag kang magdamdam. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-27-30-42-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sapat ang taglay mong kakayahan para muli mong maibalik ang iyong kabuhayan. Bakit ka mag-alala, ‘di ba noong una ay nagsimula ka rin sa wala? Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-21-24-33-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na papaunlad na nang papaunlad ang iyong buhay. Wala kang ibang dapat gawin ngayon, kundi ang kumilos. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-19-27-36-41-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sarili mo ang iyong pakinggan para hindi ka magkamali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon.
Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-17-22-26-35-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang mga mangyayari, 'yung mga bagay na hindi mo ginusto ay unti-unti mong matutupad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-13-22-28-35-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sukatin mo ang iyong sarili bago ka maglunsad ng bago at kakaibang teknolohiya. Dapat nakahanda ka para rito. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-16-20-25-34-43.
Kommentare