top of page
Search
BULGAR

Horoscope | January 21, 2024 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 21, 2024

Sa may kaarawan ngayong Enero 21, 2024 (Linggo): Paangat ka nang paangat hanggang sa hindi ka na kayang abutin ng iyong mga karibal.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tutok lang! Tutukan mo ang iyong ambisyon dahil tiyak na makakamit mo rin ito. Ang kawalang pagtutok ay numero unong dahilan kung bakit ang tao ay umaani ng kabiguan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-20-24-30-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tukuyin mo kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay, at 'wag ka nang mag-aksaya ng lakas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-24-28-33-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Magpatulong ka pero tulong lang. Dahil ikaw pa rin ang dapat na manguna sa mga aktibidad para sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-11-15-26-31-32-38.


CANCER (June 21-July 22) - Ipakita mo kung ano ka talaga. ‘Wag mong itago ang iyong mga katangian. Ang nagsasama ng tapat ay nagsasama ng panghabambuhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-29-39-40-44-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Higit na matamis ang bunga ng pinaghirapan. Kaya huwag kang magmadali at 'wag ka ring susuko kapag ikaw ay nahihirapan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-16-18-22-25-26-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamit ang talas ng iyong isipan, mabilis mong makukuha ang iyong ninanais. Huwag kang mag-alinlangan. Tiwala lang sa sarili ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-17-19-20-24-28-31.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit naman piliin mo ang landas ng buhay na kung saan ay pagpapawisan ka, dadalhin ka pa rin naman ng iyong kapalaran sa walang kapantay na kaginhawaan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-11-17-24-26-36-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pansinin ang mga taong nag-aaksaya ng kabuhayan. Lumayo ka sa kanila dahil malaki ang tsansang mahawa ka sa kanila. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-9-13-15-28-30.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagpapakita ang mga bituin sa langit kapag maganda ang panahon. Pansinin mo, gumaganda ang kapalaran mo dahil ang mga  angat sa buhay ay dumidikit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-22-32-39-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iangat mo ang buhay ng isang malapit sa puso mo na walang kakayahan na pagandahin ang kanyang kalagayan. Dito sa mundo, kung sino ang may kaya, siya dapat na tumutulong. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-11-14-20-25-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi sa mahina ka pero kailangan mo pa ring dumikit sa mga taong may maitutulong sa iyo. Oo, malakas ka pero kapag nag-iisa ka, nawawala ang iyong lakas at sigla. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-21-26-38-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sukatin mo ang kakayahan ng iyong makakaharap. Ang iyong mga nakaraang kabiguan ay nag-ugat sa labis na pagtitiwala sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-13-15-20-33-35.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page