top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Hunyo 29, 2024 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 29, 2024


Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 29, 2024 (Sabado): Huwag kang magsawa na tumulong sa iyong kapwa. Ito ang misyon mo sa lupa para pagkalooban ka ng maraming biyaya at pagpapala.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maawain ka ngayon, madali kang maaawa sa ibang tao. Mas magandang lumayo ka muna sa kanila lalo na sa mga taong mahilig magpaawa at manghingi. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-15-21-33-37-40.

  

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magbigay ka para makatanggap ka. Ang matatanggap mo ay mas marami pa kaysa sa ibibigay mo. Isabuhay mo ang pagiging mapagbigay, nang sa gayun mas dumami pa ang iyong biyaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-12-27-30-42-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Bigyang oras mo ang mga malalapit sa puso mo. Ngayon ang magandang pagkakataon upang palaguin ang pagmamahalan at pagtibayin ang samahan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-14-17-26-35-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Sa iyo ang araw na ito at sa iyo pa rin ang mga araw na darating. Hindi ka dapat magkamali ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-20-28-33-39.

  

LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ang panlaban mo sa mga taong mandaraya, mas magandang magpokus ka muna para sa mga taong mahal mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-10-18-22-29-32.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magplano ka muna bago ka kumilos. Ang mga taong walang plano ay walang magandang nararating. Sa pagpaplano ang lahat ay mabilis na naisasagawa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-18-22-28-34-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang sumalungat sa agos ng buhay. Makiisa ka sa karamihan kahit hindi mo gaanong gusto ang mga nakikita mo, hindi ngayon ang panahon upang kumontra at makipaglaban. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-16-19-21-27-30.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang nakakatulong sa iyo, siya ang pahalagahan mo, habang layuan ang mga taong wala namang kuwenta. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-18-25-34-41.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang malinaw at maayos na paraan, iyon ang iyong ipatupad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-12-27-33-42-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pakinggan mo ang damdamin mo, at ‘wag ang isip mo. Ang inuutos ng isip, kahit na tama ay magbibigay lang sa iyo ng kalungkutan. Samantala, kapag pinakinggan mo ang iyong damdamin, mas liligaya ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-18-22-25-37-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ikaw ang laging tama. Subukan mo ring pakinggan ang mga taong malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-17-19-21-28-43.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka kahit nakakaramdam ka ng katamaran at pananamlay. Sa pagkilos, sisigla ang buhay mo at gaganahan kang asikasuhin kung paano mo pa mas mapapaganda ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-20-29-33-40.

 


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page