ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 23, 2024
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 23, 2024 (Linggo): Magnegosyo ka! Dahil sa negosyo ka sasaya at tiyak na yayaman.
ARIES (March 21 - April 19) - Kakaibang saya ang makikita sa iyo. Hindi maubus-ubos ang mga kuwento mo kapag nakahanap ka ng masarap na kausap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-27-37-39-45.
TAURUS (April 20 - May 20) - Maghintay ka at bubuwenasin ka. Kapag nainip ka, lalayo sa iyo ang mga suwerteng sana'y darating na sa buhay mo. Kaya wala nang pinakamagandang payo para sa iyo kundi ang maghintay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-26-37-40-44.
GEMINI (May 21 - June 20) - Hinihintay na ng langit ang iyong mga kahilingan, ngunit huwag mong hilingin ang hindi maganda para sa iyong kapwa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-17-22-25-34-45.
CANCER (June 21 - July 22) - Mabilis kang mapapa-oo sa hindi mo naman pa gustung-gusto. Mas maganda na may kasama ka na malapit sa buhay mo kapag may kakausap sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-16-29-37-41-44.
LEO (July 23 - August 22) - Maghahari sa iyo ang iyong puso na mapagmahal sa mga nasa ibaba. Paghaharian ka rin ng pusong marunong magalit sa mga mapang-api. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-5-18-27-33-40-45.
VIRGO (August 23 - September 22) - Hindi mo pakikinggan ang mga payo na nagmula sa napakahabang paliwanag. Hindi mo rin mapipigilan na magpasya at kumilos ng mabilis. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-8-11-26-34-39-41.
LIBRA (September 23 - October 22) - Huwag kang dumikit sa lihim mong kinaiinisan. Mababawasan ang iyong lakas na parang napupunta lang sa wala. Mas magandang dumikit ka sa iyong mga minamahal. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-14-29-32-40-44.
SCORPIO (October 23 - November 21) - Agad mong itapon ang mga negatibong kaisipan na nagsisimulang mabuo sa utak mo. Yakapin mo ang mga salita ng inspirasyon mula sa mga taong tunay na malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-7-11-20-38-45.
SAGITTARIUS (November 22 - December 21) - Ngayon na! Ngayon mo simulan ang pagkakakitaan na noon mo pa gustong gawin. May kani-kanyang panahon ang lahat ng bagay, ito ang huwag mong kalilimutan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-21-27-34-42.
CAPRICORN (December 22 - January 19) - Kung sino ang masayahin, dikitan mo. Magugulat ka at maaaring hindi ka makapaniwala na parang isang himala ang mga suwerteng magdadatingan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-8-17-26-39-40-45.
AQUARIUS (January 20 - February 18) - Kapag may naisip kang magandang gawin, gawin mo agad. At huwag mong gawin kapag ikaw ay nag-aalinlangan pa lang. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-4-11-19-29-37-44.
PISCES (February 19 - March 20) - Hindi ka puwedeng hindi lumalabas ng bahay. Lumabas ka kahit sa malapit lang, bumalik ka na lang agad. Ito ang sikreto para magkaroon ng gana ang mga suwerte sa katawan mo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-16-25-30-31-34.
Commenti