ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 19, 2024
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 19, 2024 (Miyerkules): Likas kang mapagbigay, at matulungin. Magandang katangian ito, pero mag-ingat ka sa mga taong abusado.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magsaya ka, dahil saya ang magsisilbi mong susi para lalong mas gumanda ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-15-21-27-30-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka puwedeng talunin ng pananamlay. Para sumigla ka, makipagkuwentuhan ka sa mga taong masiyahin. Puwede ka ring maglakad-lakad o mamasyal. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-12-24-33-42-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Iyo ang araw na ito at ang ilan pang darating. Huwag mong sayangin ang pagkakataon, ngayon mo gawin ang iba pang aktibidad na magpapaunlad sa buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-23-28-32-40.
CANCER (June 21-July 22) - Suwerte ka! Mas matutuwa ka kapag naging masinop at mapagpahalaga ka sa mga biyayang napapasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-20-29-34-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatutok sila sa iyo. May humahanga at maiinggit sa iyo. Kumilos ka agad nang sa gayun ay wala silang magawa laban sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-13-17-26-34-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pag-aralan mong mabuti ang ikinikilos nilang kabaitan sa iyo. Ang mga taong may masamang motibo ay nagbabait-baitan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-16-25-31-37-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mas tumindi pa ngayon ang iyong karisma. Mag-ingat ka dahil kahit ang mga taong walang karapatan ay magkaka-interes din sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-15-24-27-33-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pasayahin mo ang sarili mo, kahit na sa maliit na bagay. Kapag ang sarili ay masaya, ang mga suwerte ay kusang lalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-12-18-21-30-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Darating sa iyong harapan ang isang hamon ng kapalaran na sa biglang tingin ay mahirap talunin, ngunit kapag kumilos ka at nawala ang takot mo, tuluyan kang magwawagi. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-16-24-37-40-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aalalayan ka ngayon ng langit kaya puwede munang itanong kung kanino ka matatakot. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-17-22-25-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung nasaan ang saya, naroon ang mga suwerte. Ito rin ay nagsasabing lumayo ka sa mga taong paladaing, walang ibang ginawa kundi ang magreklamo at sa mga malulungkutin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-25-31-37-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag nawalan ka, huwag kang malungkot. Kapag nabawasan ka, huwag kang mag-alala. Dahil sa totoo lang, ito ang mga kondisyon bago mo mapasaiyo ang malalaking suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-27-32-34-45.
Komentar