ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 17, 2024
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 17, 2024 (Lunes): Magagandang ideya ang mabubuo sa iyong isipan, kung lalakipan mo ito ng kaukulang pagkilos, mas mabilis kang yayaman. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Madaragdagan ang kaalaman mo sa pamamagitan ng pakikinig sa mga taong may alam at sanay na. Sa ganitong paraan, malabo kang mabigo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-24-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumukupas ang pag-ibig kapag kulang sa romansa at dilig ng pamamahal. Huwag mong hayaan na mabawasan ang pagmamahalan n’yo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-15-18-25-31-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakakasawa ang paulit-ulit na ikot ng buhay lalo na kung hindi ka makikipagsapalaran. Hindi ka puwedeng talunin ng lungkot, kaya gumawa ka ng paraan upang sumaya ang kaluluwa mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-9-13-23-38-42
CANCER (June 21-July 22) - Mula sa malayo, ang magagandang bagay ay magdaratingan sa buhay mo. Wala kang ibang dapat gawin kundi tanggapin ang mga ito. Hindi dapat umiral sa iyo ang pagiging mahiyain. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-10-18-27-29-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bagong pananaw ang papasok sa isipan mo, at kakaiba ito kaysa sa dating pinaniniwalaan mo. Nagbabalita ang kapalaran na magkakaroon ka ng mga bagong kaibigan na magpapasaya sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-19-21-28-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tagapagturo ang papel mo ngayon sa mundo. Huwag mo silang pagdamutan ng kakaibang kaalaman. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-12-20-31-40-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung nasaan ang puso mo, ru’n ka. Puwede mo ring labanan ang iyong damdamin, pero ang lihim na kalungkutan ay mamamalagi sa iyong kalooban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-17-22-28-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Salubungin mo ang mga araw na darating kung saan maraming oportunidad ang mapasasaiyo. Ngayon pa lang ay puwede ka nang magdiwang kasama ang ilang mga kaibigan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-26-34-37-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi inaawat ang galit na galit. Sa halip, dapat lang itong hayaan, dahil kahit gaano katindi ang galit, tulad ng malakas na bagyo, huhupa rin ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-16-19-23-39-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Walang masama sa pagtatanong kung ang nagtatanong ay gustong matuto. Pero, mag-ingat ka sa nagtatanong sa iyo na may masamang motibo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-11-16-28-33-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Matindi ang paghahanda kapag ang gustong gawin ay malaking proyekto. Ibig sabihin, huwag kang sugod nang sugod upang hindi ka magkamali. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-8-10-25-30-37-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mauubusan ng suwerte ngayon. Lakasan mo ang iyong loob at gawin ang anumang gusto mo. Makipagsapalaran ka at mapasasaiyo ang walang kapantay na ligaya. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-16-21-29-35-44.
Comentários