top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Hulyo 6, 2024 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 6, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 6, 2024 (Sabado): Ang maganda ay para sa maganda. Ikaw ay maganda, kaya naman para ka sa maganda, huwag mo itong kakalimutan.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka puwedeng hindi yumaman, isa lang ang iyong tututukan sa napakarami mong gustong gawin. Ito ang sikreto ng iyong tagumpay at kabiguan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-10-14-21-28-33. 

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahalin mo ang nagbibigay sa iyo ng biyaya. Kaya mahalin mo ang negosyo, at ‘wag mo itong abusuhin. Masuwerteng kulay–black. Tips sa lotto-1-19-21-25-30-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang maniniwala sa iba na hindi mabuting tumingin sa panlabas na ganda. Dahil sa totoong buhay, kung sino at ano ang maganda, ‘yun ang magbibigay sa iyo ng sigla. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-12-16-23-38-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Alipin ka ng iyong damdamin. Makakalaya ka lang dito kapag ang inisip mo na ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-11-20-28-35-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kakaibang ikaw ang makikita ng lahat dahil napakalakas ng karisma mo ngayon. Kung saan, mabibihag mo ang mga matang magtatakang tumitig at sumulyap sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-12-27-30-41-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalakas ang dating ng iyong paliwanag ngayon. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-16-22-27-34-36-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawak mo ngayon ang kapalaran mo at hawak mo rin ang kapalaran ng iba. Magandang balita ito dahil kung sino ang may kontrol siya ang masusunod. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-16-23-31-36-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahirap humanap ng taong  hindi umaatras. Subalit, ‘wag kang mag-alala dahil hindi na aatras ang maganda mong kapalaran. Bagkus, aangat pa ito nang aangat. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-24-27-32-38-43.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-ingat ka, hindi ka puwedeng magkamali ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-21-25-30-39-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nadadapa ang mabilis, kaya pag-aralan mong mabuti ang susunod mong mga hakbang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-13-16-33-39-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Wala namang bagong pangyayari sa silong ng langit. Pabalik-balik lang naman ang mga kaganapan. Ngayon, muling babalik ang mga araw na kung saan buwenas ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-19-28-31-38-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iba-iba ang paniwala ng bawat tao. Kaya huwag mong asahan na walang kokontra sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-12-14-20-27-34.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page