ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 28, 2024
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 28, 2024 (Linggo): Lakasan mo ang iyong loob lalo na kapag nakataya ang iyong ambisyon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kakaibang sigla ang iyong madarama pero hindi mo ito magagamit sa ibang lugar. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-18-24-33-42-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Subukan mong lumikha ng bagong pormula sa pagluluto. Maaaring hindi mo pa alam na ikaw ay biniyayaan ng langit ng napakahusay na panlasa na puwedeng mong pagkakitaan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-17-23-34-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Hayaan mong maglaro ang isipan mo sa maraming magagandang bagay. Sa ganitong paraan, ang pagkainip ay iyong malalabanan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-19-27-41-44.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang nasa iyo, ‘yun ang gamitin mo. Ito ay ang pagsasabuhay sa sinasabing kapag maliit ang kumot, matutong mamaluktot. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-11-20-25-29-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mataas ang personalidad mo kaysa sa pangkaraniwan kaya huwag kang pumatol sa mga taong alam mong may mababang antas ng katalinuhan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-17-22-26-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Isa-isahin mo ang naipon mong magagandang ideya. Kusa kang mapapangiti dahil marami sa mga ito ay kakaiba at nakamamangha. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-14-24-33-38-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mas marami kang magagandang katangian na wala ang pangkaraniwan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-12-19-28-35-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag may ibinibigay sa iyo, tanggapin mo ito kahit hindi mo kailangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-16-25-34-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Subukan mong gumawa ng mga bagong bagay at subukan mo rin ang mga bagong aktibidad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-21-27-33-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ikaw ay may dugong palaban. Ito mismo ang nagsasabing kahit wala kang aktibidad, ang mabilis na pag-asenso ay nasa iyo pa rin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-17-22-25-34-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka nang masaya at iwasan mong kumilos nang malungkot. Noon pa man, kapag masaya ka, sinusuwerte ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-19-21-29-39-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gamitin mo kung ano ang puwede mong magamit. Huwag kang manghiram sa iba, dahil ang paglapit sa kapwa ay hindi inirerekomendang gawin mo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-13-23-26-34-40.
Comments