ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 27, 2024
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 27, 2024 (Sabado): Walang ibang gusto ang langit kundi pagandahin ang iyong kapalaran. Mapapansin mo na kahit magkamali ka, bibigyan ka pa rin ng pagkakataong gumanda ang iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mananalo ka, lalo na kung makikipagsapalaran ka at kalilimutan mo ang galit at sama ng loob. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-8-10-28-30-31-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mawawala ang lahat ng alalahanin mo ngayon dahil nakita ng langit na hindi ka puwedeng matalo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-23-28-30-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Ginhawa ang dulot sa iyo ng buwan ng Disyembre. Paghandaan mo ang mga suwerteng aanihin mo pagpasok ng panahon ng Kapaskuhan. Anumang biyaya ang iyong matatanggap, magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-13-16-29-32.
CANCER (June 21-July 22) - Kambal na panalo ang mapapasaiyo. Mawawala ang mga hinanakit mo sa mga mga mahal mo sa buhay at ibabahagi mo sa kanila ang malaking parte ng mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-19-21-26-31-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tatalunin ka ngayon ng tusko, pero tulad ng dati, magagawa mo pa rin silang layuan dahil matatauhan ka na ang mga ito ay pampasakit lang ng iyong ulo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-15-16-25-28-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ituloy mo lang ang iyong iniisip. Huwag mo itong babaguhin kapag may nakita ka sa kapwa mo na parang mas maganda. Ang naisip mong ito ang mas makakabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-10-18-29-39-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong damputin ang nahulog sa iyong harapan dahil baka mabiktima ka ng nagkukuwaring bigo sa buhay. Bago ka tumulong, suriin mong mabuti ang personalidad ng iyong tutulungan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-29-35-36-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magtiwala ka sa sarili mong kakayahan at huwag kang umasa sa iba. Mas mapapabuti ka kung ang pakikinggan mo lang ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-16-28-34-28-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang maganda sa tingin, siya mismo ang pampasuwerte mo. Gumaganda ang takbo ng kapalaran kapag ang tao ay may inspirasyon sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-15-17-24-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumikit ka sa mga masayahin. Sa ganitong paraan, ang kapalaran mo ay kikilos para ikaw ay sumaya rin. Lumayo ka sa mga iyakin at paladaing. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-14-15-26-31-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ilabas mo ang mga bagay na iniregalo sa iyo kung saan sobrang natuwa ka. Ang mga ito ang magsisilbi mong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-21-27-36-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka puwedeng magkamali ngayon. Bago mo ituloy ang mga balak mo, humingi ka muna ng payo at opinyon sa mga kilala mong nagtagumpay na. Masuwerteng kulay-tangerine. Tips sa lotto-2-18-20-28-39-42.
Comments