ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 20, 2024
Sa mga may kaarawan ngayong Hulyo 20, 2024 (Sabado): Ito na ang araw na pinakahihintay mo. Hindi ka mabibigo sa iyong mga pangarap, dahil lingid sa iyong kaalaman, inihanda ka na ng langit upang matupad ang mga pangarap na iyong inaasam-asam.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyong panatilihin ang pagiging mabuti, dahil ito ang susi sa pagkakaroon mo ng kaligayahan habang tinatamasa ang bunga ng iyong mga pinagsikapan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-28-27-35-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagkakaroon ng malakas na puwersa ang marami ‘pag ito ay nagsama-sama. Makibahagi ka sa isang grupo na may iisang layunin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-20-24-27-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Ang pagiging mabagal sa mga bagay na iyong ginagawa ay normal lamang. Sa kabagalan, makikita mo ang mga dapat mong gawin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-7-11-18-23-42.
CANCER (June 21-July 22) - Ang kapalaran mo ngayon ay aayon sa maganda mong kinabukasan. Patuloy kang pakikitaan ng langit ng magagandang bagay ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-20-24-27-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Naglalaban ang saya at lungkot sa iyong buhay. Masaya ang iyong paligid, ngunit ikaw naman ay nakikitaan ng lungkot at bigat sa iyong kalooban. Ang dapat mong gawin ay magpahinga. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-22-26-39-41-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Patuloy kang magsumikap, ‘wag kang patatangay sa pagsasaya. Kung papaudyok ka, maaaring hindi mo makamit ang mga magagandang bagay na nakalaan para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-24-27-31-35-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka pahahalagahan ng langit kung ikaw ay tamad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-21-26-35-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mamili ng iyong pakikisamahan. Ang lahat ng mga tao na nakapaligid sa iyo ay bigyan mo ng importansiya at pagmamahal. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-13-29-31-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong sayangin ang lakas mo sa mga walang kuwentang bagay. Ang lakas at talino ng tao ay ginagamit upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-19-27-33-36-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi totoong sa mabilis na paraan mo makukuha ang saya at ligaya. Sa ngayon, kahit hindi ka sumama sa kasiyahan, malaki ang tsansa na pasayahin ka ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-28-30-32-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakapagtaka ang iyong kapalaran dahil mapapasaiyo ngayon ang mga bagay na kinaayawan o kinaiinisan mo. Ang mga bagay naman na iyong inaasam ay mapupunta sa ibang tao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-18-28-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ikaw ay pinagpala ngayong Year of Dragon, dahil nasa iyo ang huling halakhak. Ito ang taon na pinakahihintay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-26-32-38-43.
Comments