ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 16, 2024
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 16, 2024 (Martes): Oo, may suwerte ka kahit nasa sariling bayan ka lang, pero ang malalaking suwerte mo ay nasa ibang bansa lugar. Kaya mag-abroad ka na!
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ngayon ang iyong imahinasyon upang mas gumanda ang kita mo. Malaki pa ang iaangat ng kabuhayan sa tulong ng iyong malikhaing kaisipan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-22-30-36-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nangyayari ang hindi inaasahan. Akala nila, hindi na muli pang gaganda ang takbo ng iyong kapalaran, pero ang kapalaran pala nila ngayon ang pangit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-29-34-38-40-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang araw na ito na puwede kang maligaw. Kung ano ang gusto mo makamit, doon ka muna magpokus. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-15-20-23-32-41.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang makialam sa sigalot na alam mong mahirap masolusyunan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-21-27-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi nakukuha nang sabay-sabay ang mga bagay na gusto mo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-22-24-26-34-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hinahon ang kailangan mo at hindi init ng ulo. Nakokontrol mo ang mga pangyayari sa mahinahong paraan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-7-10-28-33-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagsasayang ka lang ng oras sa taong ayaw naman sa iyo. Masaklap na kabiguan at kalungkutan ang mapapala sa mga taong makukulit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-19-27-34-38-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ganap mong kalimutan ang nakaraan. Mahirap man, kailangan mo pa rin itong gawin dahil ito ang tunay na susi upang magkaroon ka ng bagong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-13-22-37-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag nadidiligan ang mga halaman, ito ay lumalago. Diligan mo ng sipag at tiyaga ang negosyong nagbibigay sa iyo ng kabuhayan. Huwag na huwag mo itong pababayaan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-25-29-31-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Suwerte ka ngayon. Dapat mabilis ka ring magpasya at ibalik mo ang lakas ng iyong loob. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-13-16-24-28-33-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahalin mo ang kaaway mo, dahil ito ang magpapalakas sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-22-31-35-41-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sundin mo ang sarili mo kahit pa sa totoo lang, wala kang gaanong tiwala sa sarili mo. Gawin mo ito at makakaasa ka na simula ngayon, magkakaroon ka na ng kumpiyansa sa sarili mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-23-26-31-40.
Comments