ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 14, 2024
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 14, 2024 (Linggo): Makulay ang iyong kapalaran. May kulay ng dilim na para sa kabiguan at may makislap na kulay ng tagumpay, pero ang mamamayani sa iyo ay ang kulay ng masaganang buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat malibang sa ningning ng iyong buhay. Huwag mong kaligtaan ang kasalukuyan at paghahanda sa kinabukasan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-14-19-25-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumapit ka sa katangian mo na isang matatag at matibay na nilalang. Lumayo ka sa mga taong alam mong makakasira sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-15-29-32-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Ibahagi mo sa iyong kapwa ang mga suwerteng napapasaiyo. Sa ganitong paraan, ang magagandang bagay ay dadaloy sa buhay mo na parang ikaw lang ang palaging binubuwenas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-21-26-28-30.
CANCER (June 21-July 22) - Mag-ingat ka dahil lalapit sa iyo ang mag-aalok ng mabilisang kita ng pera. Huwag kang makalimot na rito sa mundo, mandaraya lang ang nagsasabi na yayaman ka nang walang hirap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-19-28-30-31-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahirap paniwalaan na rito sa mundo, ang masarap kausap ay mapanlinlang. Kung saan aakalain mo na sasarap din ang buhay mo sa kanya, pero ang totoo, kabaligtaran pala ang sasapitin mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-15-20-24-33-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit pintasan ka nang pintasan, tama ang iyong pagiging masinop at mapagpahalaga sa mga nasa iyo na. Ang namimintas ay ang mga taong lalapit sa iyo upang humingi ng tulong. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-16-18-21-25-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dobleng kita ang mapapasaiyo ngayon. Ito ang magandang balita sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-17-21-25-27-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon na ang tamang panahon para simulan ang negosyo mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-20-26-39-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tanggapin mo ang alok na makibahagi sa bagong negosyo. Malaki ang iaangat ng buhay mo kapag nagkaroon ka ng tapang at lakas ng loob para makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-16-28-34-41-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Litung-lito ka, pero ‘wag kang mag-alala dahil mawawala rin ang pagkalito mo kapag napanatag na ang pangyayari kung saan makikitang nagpapakasasa ka sa masarap na buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-9-14-20-23-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Madarama mo na parang kumakati ang mga paa mo at inuutusan kang mamasyal. Gawin mo ito dahil sa iyong pamamasyal, mananariwa at gaganda ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-12-28-38-40-44.
Comments