top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Hulyo 11, 2024 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 11, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 11, 2024 (Huwebes): Gamitin mo ang napakalakas mong personalidad kung paano ka mabilis na uunlad. Huwag mo itong gamitin sa paghihimutok at pagsasawalang bahala.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang mga sinasabi ng ibang tao sa paligid mo. Hayaan mo sila sa kasasalita dahil sa huli, magugulat na lang sila dahil malaki na ang iaagwat mo sa kanila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-21-26-37-41-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Baguhin mo ang iyong mga naunang plano. Makisabay ka sa uso, at sakyan mo ang mga kagustuhan ng marami kahit labag sa iyong personal na panuntunan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-13-20-24-33.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Sumisilong ang mga ibon bago bumuhos ang malakas na ulan. Hindi masama na pansamantalang huminto sa pagpaparami ng kita kapag ang negosyo ay matumal na. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-14-26-30-36-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong layuan ang alam mong bagsak na bagsak ang kalooban. Dahil ang isa sa mahalagang papel mo sa mundo ay ang ihanda ang iyong balikat para sila ay may masandalan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-13-18-27-34-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na inilaan sa iyo. Wala kang dapat gawin kundi, magplano at pagkatapos mong magplano, isagawa mo agad ito para mas gumanda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-16-21-24-38-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Napansin mo ba na ang galaw ng uniberso ay may sinusunod na kaayusan? Kahit ang mundo ay ganundin, umiinog nang nasa ayos. Hanapin mo kung paano mo maaayos ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-13-17-26-34-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo kailangan ang papuri ng iba, dahil ikaw dapat ang pumuri sa iyo. Ito ang sikreto upang magtagumpay ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-20-24-31-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gumaganda ang mga araw mo dahil natutunan mo nang ibahagi ang iyong damdamin sa malapit sa buhay mo. Huwag kang magbabago, ito rin ang kailangan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-12-25-30-38-43.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makakabuti para sa iyo ang pamamahinga. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-19-28-38-40-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi dapat sumama ang loob mo dahil marami ang ayaw maniwala sa iyo. Gawin mong tuntungan sa hagdan ng iyong tagumpay ang mga pamimintas nila sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-11-16-20-27-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag hindi ka tinigilan ng umaaway sa iyo, magugulat kayong dalawa. Sa huli, magkakapalagayang-loob kayo, kung saan sobrang dikit at hindi n’yo gustong magkalayo pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-25-31-37-38.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kambal na suwerte ang mapapasaiyo. Magkasunod na dadapo sa iyo ang mga suwerte na halos sabay lang. Ito ang regalo sa iyo ng langit dahil sa kabutihang loob mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-11-23-34-42-44.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page