top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Hulyo 1, 2024 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 1, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 1, 2024 (Lunes): Kabilang ka mga taong pinagpala. Kung ang iba ay kailangan pang magsumikap upang magkaroon ng magandang kapalaran, suwerte naman ang kusang lalapit sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Manghiram ka ng suwerte sa kakilala mong sinusuwerte, pero mag-ingat ka dahil ‘di niya dapat ito malaman. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-22-28-34-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Napansin mo ba na kapag masaya ka, sinusuwerte ka? Kaya maghanap ka ng saya, makipagkuwentuhan ka sa mga masayahin at ang lungkot ay iyong balewalain. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-11-21-29-33-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang araw na ito na maaari kang malibang sa saya. Magsaya ka, pero huwag mong kakalimutan ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-22-34-40-45.


CANCER (June 21-July 22) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Para mas malalaki at mas marami ang mapasaiyo, patawarin mo ang gumawa sa iyo ng pagkakamali. Dapat ngayon mo na ito gawin. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-13-17-31-41-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang kailangan, ‘yun lang ang iyong ibigay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-16-27-34-40. 


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iisipin mo ang iyong kinabukasan at huwag kang malibang sa iyong kasalukuyan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-13-25-29-32-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi dapat lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-9-15-26-36-44.SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pagsasakripisyo ang isa sa papel mo sa mundo, pero habang isinasabuhay mo ito, dapat alagaan mo rin ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-19-21-27-32-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung sino ang pasasayahin mo, siya rin ay pasasayahin ng langit. Piliin mo ang karapat-dapat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-24-33-39-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ikaw ang tatanghaling pinapala. Ang mga pangalang nakasali sa mahiwagang roleta ng kapalaran ay mga walang karapatang tumanggap ng mga biyaya at pagpapala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-7-16-25-32-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit nag-aalala ka para sa ibang tao? Hindi ka dapat magpaalipin sa iyong damdamin. Ang saya at magandang buhay ay nagmumula sa pagiging malaya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-29-37-41-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong isabuhay ang ngipin sa ngipin at mata sa mata, dahil hindi lumiligaya ang mga taong may ganu’ng prinsipyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-25-34-40-45.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page