ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 9, 2024
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 9, 2024 (Biyernes): Tiyak na yayaman ka ngayon. Mahalin mo ang mga taong nakatulong sa iyo habang tinutupad mo ang iyong pangarap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Suwerte ka ngayon. Alam mo kung sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba, kundi ang mga taong mapagpanggap. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-5-19-22-28-31-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lakas ng loob ang iyong kailangan upang maisakatuparan mo na ang iyong pinakamimithing tagumpay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-14-24-29-31-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Lumayo ka sa mga taong negatibo, gayundin sa mga taong alam mong magpapabagal lang sa iyong pag-asenso. Hangga't maaari, 'wag ka na rin munang lumapit sa mga taong duwag. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-12-20-34-37-44.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang ayaw mo, iyon ang mapapasaiyo. Sa huli, mauunawaan mo na ang tao pala ay walang kakayahang kontrahin ang kanilang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-19-28-35-39-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Masyadong malakas ang lumalabas na puwersa sa iyo ngayon. Agad kang magagalit sa mga taong nahihina. Samantala, ang mga suwerte mo naman ay mas lalong lalakas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-4-10-19-22-28.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka mahihirapan sa mga gusto mong gawin ngayon, lalo na kung hindi mo makakatabi ang mga taong pakialamera. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-17-23-29-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumapit ka sa mga makalumang ginintuang aral. Sa ganitong paraan, lalayuan ka ng mga taong may hindi magandang motibo sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-16-19-21-26-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang iyong nasabi, huwag mo na itong baguhin pa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-15-19-23-28-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakatutuwa ang mga darating sa iyo ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-9-17-28-30-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dagdag tapang ang iyong kailangan, hindi sa pakikipag-away kundi para sa negosyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-19-23-29-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pakiramdaman mo ang iyong bilis dahil baka sumosobra ka na. Tandaan mo, lahat ng sobra ay nakasasama. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-10-18-28-38-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang matakot ngayon, dahil nand'yan ang langit para bantayan ka. Ang dapat na matakot ay ang mga taong walang ibang ginawa kundi ang mag-imbento ng mga istorya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-7-16-25-29-34.
Comments